PAGHIHIHANTE

1204 Words

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko. Lalo nang biglang sampalin si Ma'am Ella ng hayop na lalaki. Dahil pilit itong ipapasok sa loob ng kotse. Naging mabait sa akin si Ma'am Ella noon. Saka tiyak na magagalit si boss Zach oras na malaman nito ang pananakit sa asawa nito. Hindi na ako nag-isip pa. Mabilis na akong tumalon ng mataas at walang takot na umapak sa mga ulo mg armadong lalaki. Maliksi akong nakarating sa likuran ng lalaking nanampal kay Ma'am Ella. Walang kahirap-hirap kong nakuha ang kutsilyo sa beywang nito at gigil na gigil kong sinaksak ang tagiliran nito. Bakla yata ito dahil nananakit ng babae. Maliksi ko ring kinuha ang baril nito na nasa likuran at sunod-sunod kong pinagbabaril ang mga lalaking may suot na bonnet mask. “Yumuko ka lang Ma’am Ella!” bulalas ko sa bab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD