(SUZI’S POV) Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa mga hayop na kumuha kay Governor Jaxon. Patuloy ko silang pinagbabaril ng armalite kong hawak-hawak. Wala akong pakialam kung may mga doctor na tinamaan ng bala ng armalite ko. Saka demonyo rin sila at kasapi ng sindikato. Kung matino sila, dapat tinulungan nila si Governor. Napansin kong lumabas na ang mga tauhan ng dalawang hayop na babae. Para makipaglaban sa akin. Ngunit mas mabilis kumalabit ng gatilyo ang aking mga daliri. At titiyakin kong patay silang lahat. Hayop sila. Bago ako lumabas dito ay dapat lagas na ang mga tauhan nila. Mga tanga kasi, nag-iwan ng ebidensya na puwede ko silang mahanap. Mabuti na lang bigla kong naalala ang Flower’s Hospital. Nagbaka sakali akong pumunta rito. Aba’y ayaw pa akong papasukin

