Panay ang hilot ko sa aking noo. Paano nangyari na agad nakilala ni Jaxon? Eh, sobrang nag-iingat sa aking mga galaw? Para tuloy akong baliw na panay ang gulong ko sa ibabaw ng kama. Nakakainis naman ang lalaking ‘yon. Kailangan kong malaman totoo? Hindi puwedeng malaman nito na ako si Suzi lalo at hindi pa tapos ang aking misyon. Nagmamadali na ang mga kilos ko. Aalamin ko lang naman kung bakit nalaman ka agad ni Jaxon na ako si Suzi. Agad kong kinuha ang mga gamit ko. Dali-dali kong inilagay sa aking katawan ang pekeng balat ng tao na isang mataba. Kailangan ko itong upang hindi ako nakilala ng lalaki. Ang aking Pisngi ay pinataba ko rin ito. Kinuha ko ang wig na kulay puti at inilagay ko sa aking ulo upang magsilbing buhok ko. Ang taba-taba ko na. Makikilala pa kaya ako ng lalaking ‘y

