Agad na umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Gusto kong magmura dahil hindi lang iisang tao ang nakapalibot sa amin ngayon. At ano mang oras ay puwede silang umataki at may masaktan sa kanila. Nang tumingin ako sa bata ay napansin kong nagmulat ito ng mga mata. Ngunit nagbilin ako na huwag muna silang tumayo para sa kaligtasan nila. Ganoon din ang mga kasama nila ay nakapada pa rin sa buhangin upang hindi matamaan ng ano mang pag-ataki ng mga kalaban. Mayamaya pa’y na naramdaman kong may aataki mula sa likuran ko. Mabilis akong lumingon sabay kalabit ng gatilyo ng aking baril. Kitang-kita kong sumapol sa noo nito ang bala ng baril ko. Saktong tingin ko sa kaliwa ay napansin ko rin ang isang kalaban, ngunit mayroon din sa kanan. Nakakainis naman, oh! Mabilis ko pang kinuha ang isang

