Biglang kong nahawakan ang aking ulo na tinamaan ng yelo. Abnormal din talaga itong si boss Zach. Nakaramdam tuloy ako ng lamig sa buong katawan ko. Talagang basang-basa kami ni Emerald. Nahinto tuloh ang paglalaro namin ng punong braso. Subalit nagulat ako nang biglang lumapat ang kamao nito sa aking mata. Hindi naman masyadong masakit parang pitik lamang, ngunit sinamaan ko pa rin ito ng tingin. “Damn you Emerald --!” malakas na sigaw ko. Ngunit ngumisi lamang ito sa akin at parang inaasar ako. “Ikaw ang naunang nanuntok sa akin, kaya bumawi na lang ako sa 'yo, Suzi--!” mabilis na sagot nito sa akin. Bigla tuloy akong napakamot sa aking ulo. Oo nga pala, bigla ko itong sinuntok kanina. Ginawa ko 'yon para matalo ito. Ngunit umipal si boss Zach. “Suzi, sumunod ka sa akin at may pag-uus

