Agad kong inalalayan si Donya Clemente na makatayo mula sa pagkakahiga nito sa sahig ng hospital. . . . Inalam ko rin kung may masakit ba rito. Lalo at bumagsak kami sasahig. Awang-awa ako sa lagay nito. Sobra rin akong nag-aalala para kay Governor. Ngunit naniniwala ako ang buhay pa ito. . . Saka malakas si Governor Jaxon. Alam kong hindi siya basta magpapatalo kahit maraming gustong pumatay rito. Hindi ito basta pababyaan ni Panginoon. Nagmamadali lumapit sa amin si ate Catery. Sinabi kong siya na ang bahala kay Donya Clemente. Ngunit biglang hinawakan ng Ginang ang aking Kamay. “Suzi anak, please! Tulungan mo akong mahanap ang aking anak na si Jaxon. . .Hindi ko alam kung bakit ang daming nagagalit sa aking anak at balak pang patayin, pagkatapos ng kabutihang ginagawa niya sa mga ta

