(MADAM PINKER’S POV) TALAGANG TAGAKTAK ANG PAWIS sa aking noo ng mga oras na ito. May luha rin lumabas sa aking mga mata dahil sa hapdi ng mga sugat ko . . Napatingin na naman ako kay Suzi at makita kong may dala-dalang itong suka na maraming sili ang nakalagay. Ilang kilong sili kaya ang nakalagay sa suka na 'yon? “Maniwala ka sa akin; Suzi Brettes, hindi ko na hawak si Governor Jaxon. Totoong nakatakas ito. Tumalon siya sa bintana!” anas ni sa babae. Ngunit parang bingi nito. Tuloy-tuloy pa rin ito sa palalagay ng sili sa suka. Sobrang daming sili ang inilagay ni Suzi. Ano kayang plano ng babaeng ito sa amin ni Gologs. Mayamaya pa’y agad na lumapit sa amin ang apat na lalaki. Lalo akong kinabahan. “Sa dami ng mga kasalanan ninyo rito sa buong YANARA ay kulang pa itong ginagawa ko sa

