Sugat-Sugat

2606 Words

(VECAL’S POV) DALI-DALING lumapit sa akin ang tauhan ko upang alalayan akong tumayo mula sa pagkakahiga ko. Parang hindi ko matanggap ang pagkawala ng aking bahay. Kailan lang ako lumipat dito. Tapos ngayon ay nilalamon na ng apoy. Hanggang sa tumingin ako sa mga tauhan ko. Agad kong inutos na hanapin kung sino ang nagpadala sa akin ng kahon. Hayop na ‘yon. Sunog na ang aking bahay kaya wala na rin ang cctv camera. Doon ko sana malalaman kung sino ang nagpadala ng kahon sa akin. Milyong halaga ang nagastos ko sa aking bahay, bukod pa ang mga gamit ko na nandoon sa loob. Mabuti na lang at wala akong pera sa loob ng bahay. Talagang itinago ko na sa ibang lugar. Kailangan kong pag-ingatan ang perang hawak ko ngayon. Hindi ko na ito hahayaang mawala at mapunta sa kamay ng mga magnanakaw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD