(EGGMON’S POV) Pasimple akong napangisi. Nakakatiyak ako na bagsak na ngayon ang isang Governor Jaxon Vizconde. Titiyakin kong mapapaalis ito rito sa Sta. Yanara. Wala akong pakialam kahit na mas magyaman pa ito sa amin. Dahil oras na masira ito sa mga tao ay puwede itong mapaalis sa pwesto niya. Hanggang sa tumingin ako sa isang reporter nang magsalita ito. “Mr. Eggmon, hindi kaya isang gawa-gawa lang ito upang sirain ang Governor Jaxon. Nakikita naman natin ang mga ginawa ni Governor Jaxon bilang Governor ng ating lugar,” anas ng isang reporter. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Aba't may mga tao pa lang hindi naniniwala sa akin. “Hindi ako magsasalita sa harap ninyo kung wala akong alam sa mga pinag-gagawa ng ating Governor. Alam naman ninyo na ako ang pagaling kasama niya

