PAGDATING sa bahay ni Ragorio ay agad kaming pinapasok sa loob. Ngunit tiniyak ko munang hindi kami masusundan ng mga hayop na kalaban. Pinalitan ko rin ang kulay ng kotse ko. Nang muli akong bumalik sa bahay ni Ragorio ay napansin kong panay ang hilamos ng mukha ni Ragorio at mukhang stress ang lalaki. “Ito na nga ang sinasabi ko, naku naman! Muntik na kayong mamatay. Mukang malaking tao ang nasa likod ng pagkamatay ni Victoria Lordes at ang lalaking kasama nito sa loob ng hotel!” bulalas ni Ragorio. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. “Ako talaga ang may kasalanan nito. Dahil sa akin kaya nadamay si Bederto. Hayaan ninyo, titiyakin kong magbabayad sa akin si Mrs. Ponelyn Hektare!” Mariin sabi ko habang nakapikit ang mga mata. Ngunit mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang

