Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao dahil sa galit sa mga armadong lalaki na basta na lang pumasok dito sa hospital room ni Bederto. Mabilis akong pumasok sa loob ng room. At basta ko na lang hinampas ang batok ng isang lalaki at sunundan ko pa ng suntok sa tagiliran nito. Mabilis kong nahawakan ang ulo nito ay buong lakas kong pinilipit, dahilan kaya nawalan ng malay tao. Sunod-sunod akong umikot sabay sipa naman sa isa pang kalaban. Mabilis kong kinuha ang aking mga karayom at gigil ko silang nilagyan sa katawan. Isa-isang bumagsak ang mga kalaban. Dali-dali akong lumapit kay Bederto na ngayon ay nakahiga sa hospital bed at walang malay tao. Mabilis akong tumingin kay Aguda na may pagtataka kung bakit walang malay si Bederto. “Talagang pinatulog ko po muna siya, Ms. Suzi. Upang

