(SUZI’S POV) Malakas kaming nagtawanan ni Xina. Sobrang nakakatuwa ang babaeng ito. Walang halong kaartehan sa katawan. Mabait din kausap. Dapat nga ay aalis na ako para umuwi. Ngunit pakiusap ito na sabayan ko raw siyang kumain. Simpre dahil mabait akong tao at nakita ko rin ang mga pagkaing nakahin ay talagang nag-oo na ako. Kahit alam kong magagalit sa akin si Jaxon. Bahala na. ang mahalaga ay nakakain ako ng masarap. “May nobyo ka Sue?” biglang tanong sa akin ng babae. Napahinto tuloy ako sa pagnguya. Dahan-dahan akong tumingin sa babae. Bigla akong natawa sa tinuran nito. “Hindi uso sa akin ang mga lalaki. Salot lamang sila,” anas ko kay Xina. Nakita kong tumango-tango ang babae. Napansin kong ang mariin nitong pagkagat sa ibabang labi nito. Muli ko na lang pinagpatuloy ang pa

