Kukunin Kitang Ninong?

2349 Words

Muli akong tumingin sa lalaking kaharap ko. Naghihintay ito ng magiging sagot ko pero kitang-kita ko pa rin ang salubong ang kilay ni Governor dahil sa aking mga tinuran. Hanggang sa muli akong napahinga ng malalim. “Malaki ang alok mo sa akin, Mr. Governor. . . Ngunit puwede ko bang pag-isipan muna kahit tatlong araw lang? Mahirap kasing magpadalos-dalos sa desesyon lalo ay may trabaho rin akong naiwan, hindi ko puwedeng ipagsapalaran ang aking trabaho, bakasyon lang ako rito rito. Upang ayosin na rin ang lupa na basta na lang kinuha sa amin,” anas ko sa lalaki at nasa boses ko ang pakiusap. “Okay, tatlong araw kang mag-isip. Kailangan magandang balita ang isasagot mo sa akin kapag nagkita tayo ulit, Suzi.” May inabot itong calling card sa akin na agad ko namang kinuha sa mga kamay nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD