Balak ko sanang alisin ang latigong pumulupot sa aking katawan nang maramdaman kong may nagtakip sa aking ilong ng panyo. Kasunod ang tuluyan kong pagkawala ng malay tao. Naramdaman ko pa nga ang mariing pagkagat sa aking leeg bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman. Nagising ako na sobrang tamihik ng buong paligid. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Una kong nakita ang mga kurtinang kulay puti na ngayon gumagalaw dahil sa hangin na galing sa labas. Naririnig ko rin ang hampas ng alon sa dagat. Kahit hindi ko nakikita ang alon ay naramdaman kong kalma lang ang alon sa dagat. Subalit bigla kong nahilot ang aking noo. Hanggang sa pumasok sa aking utak ang mga nangyari sa akin at kung sino ang nagdala akin dito. Pinaamoy ako ng pampatulog ni Governor Jaxon. Nasaan kaya naroon an

