Ngunit mabilis kong nahawakan ang pulsuhan nito ng mahigpit. Napansin ko rin ang isang kamay nito na muli na naman akong sasaksakin at ang target naman nito ay ang aking ulo. Gigil kong sinuntok ang lalamunan nito. Hinawakan ko rin ang batok nito at buong lakas inuntog sa malaking bato, hanggang sa mawalan ito ng malay tao. Mabilis akong lumingon at nakita ko ang isang lalaki na ngayon ay mabilis ang sugod papalapit sa akin para suntukin ako. Buong lakas kong sinipa ang leeg nito. Hanggang sa mapatingin ako kay Aguda na gigil na pinag-untog ang dalawa pang kalaban na natitira. Agad akong lumapit kay Aguda. “Ikaw na muna ang bahala rito. Kailangan kong iligtas ang matandang ‘yon. Hindi ko siya puwedeng pabayaan." “Sige po, Ms. Suzi. Mag-iingat ka po.” “Salamat.” Agad akong tumalikod p

