Chapter 10

1048 Words
IBINALIK ni Alexa ang tingin niya sa mga lalaking naglalaro ng basketball. Bakit kaya hindi naging uso iyon sa mga kababaihan? Oo nga at may naglalaro noon pero hindi pa rin iyon lantad sa mata ng publiko. “Ano? Sasama ka ba sa akin?” untag ni Jamela sa kanya. Malapit na ang bakasyon at magtatapos na rin ang klase. May balak silang mag-attend ng Alexa class ni Jamela pero iyon ay third week pa ng Mayo gaganapin kaya niyayaya siya nitong sumama sa Bulacan para sa fiesta. “Pag-iisipan ko pa. Malayo kasi ang Bulacan eh.” Napabuga ito ng hangin bago muling nagsalita. “Malayo ba ‘yang hindi ka naman sasakay ng eroplano o barko kaya?” “Kahit na. Two-hour-drive, malayo pa rin,” giit niya. Ang totoo ay wala lang siyang budget na nakalaan doon kaya kahit gustonga-gusto niyang sumama kay Jam ay hindi niya magawang tumango dito. Tila nabasa naman nito ang iniisip niya at agad na lumambot ang anyo nito. “Wala kang panggastos? Ako ang bahala, sis.” “Hindi iyon,” kaila niya. “Alam kong iyon. Maglolokohan pa ba tayo dito?” “Eh kasi, nakakahiya sa pamilya ko na uunahin ko pa ang bakasyon samantalang puwede naman akong kumuha ng Alexa job para makaipon ng pang-enrol ng mga kapatid ko para sa pasukan.” “Alex, ano ka ba naman? Wala ka na bang iisipin kung hindi puro sila? Ang tao ay parang baterya; kailangan ding mag-charge paminsan-minsan.” Napatingin siya sa mga mata ni Jam at ilang saglit na nakadama siya ng pagka-inggit sa kaibigan. Siya, ni minsan ay hindi niya nagawang i-entertain ang mga ganoong idea. Matagal na niyang inalisan ng karapatan ang sariling mamahinga. Hindi niya rin kasi gustong mahirapan ang loob niya kaya simula pa lang ay nagsi-set na siya ng limitasyon para sa sarili. “Kung puwede nga lang sana,” maikli niyang tugon. “Puwede. Puwede kung papupuwedehin mo. Come on, Alex, you need a break!” “Bibili na lang ako ng kitkat sa canteen,” biro niya. Hinampas siya nang mahina ni Jamela sa braso pero agad din itong nagseryoso. “Friend, First Year pa lang ay lagi na kitang iniimbitahan sa amin tuwing fiesta pero never kang nagpunta. Now, as a friend, I demand that you go with me.” Natigilan siya. Walang kangiti-ngiti si Jam at mukhang hindi ito nagbibiro. Totoo naman ang sinabi nitong matagal na siya nitong inaayang sumama sa Bulacan upang magbakasyon. Masaya daw roon kapag ganoong panahon lalo pa at nagdaraos ng Fiesta at Flores de Mayo. “Ano? Sasama ka o magkakalimutan na lang tayo?” untag nito. “Huh? Ganoon ba iyon?” kunwa’y sabi niya sa pagtatangkang magpatawa pero ni hindi natinag ang seryosong anyo ng kaibigan. “Oo, ganoon iyon. I need your answer now dahil kung hindi ka sasama, si Melai ang iimbitahan ko. Nakita mo naman na kausap ko siya kahapon, ‘di ba? She’s very much interested to come with me.” “Eh bakit hindi mo imbitahan?” “Hello! As if naman hindi ko alam na hindi mo siya gusto?” “Hey, wala akong—” “Cut it, Alexa Marie! Kahit hindi mo sabihin ay alam ko. O, huwag ka nang mag-deny diyan! Basta ako ang bahala.” “Pero Jam…” “Walang pero-pero! Leave it to me, okay!” Hindi na siya kumibo at marahan na lang na tumango. Siguro naman ay maiintindihan siya ng pamilya niya kung sakaling magpapaalam siya sa mga ito. Tutal ay dalawang Linggo lang naman.   “DALAWANG linggo? Ang tagal naman noon, anak,” reklamo ng nanay ni Alexa na si Amelia. “Eh Tita, bukod po kasi sa fiesta eh may Flores de Mayo pa po kami. Gusto ko sanang sumagala si Alexa.” Nagulat siya sa sinabi ni Jam pero agad siya nitong pinanlakihan ng mga mata nang makita nito ang reaksiyon niya. “Sagala? Eh baka kailanganin niya ‘ko para—” “Ay hindi po, Tita! Kayang-kaya ko na si Alexa at wala po kayong dapat ipag-alala. Ako ang bahala, promise!” mabilis na sagot ni Jam sabay taas ng kanang kamay. “Aba’y kung gusto ba ni Alex eh ‘di sige. Okey lang din sa akin. Basta ikaw na ang bahala sa kaibigan mo ha, Jamela.” Tumango ang huli bilang pagsang-ayon. Hindi niya alam ang kahulugan ng ngiti ni Jamela nang tumingin sa kanya.   TAMA si Jamela, malapit nga lang ang Bulacan. Halos hindi namalayan ni Alexa ang mga oras na inilagi sa loob ng bus dahil habang daan ay nagkukuwentuhan silang magkaibigan. Nang sabihin nitong naroon na sila sa terminal ay nagulat pa siya. Naglakad sila ng ilang metro bago narating ang sakayan ng tricycle. Iyon daw ang maghahatid sa kanila sa mismong barrio kung saan nakatira si Jam. Sa simula ay walang pagkakaiba sa Maynila ang lugar na nadaraanan nila. Marami ring mga establishments and commercial buildings sa paligid. Pero nang halos kinse minutos na sila sa tricycle ay napuna niyang unti-unti nang nababago ang anyo ng mga kalye. Naubos na ang sementadong kalsada kaya kung minsan ay napapaigtad sila kapag nalulubak. Panay mabeberdeng bukid na rin ang natatanaw niya. Nang may madaanan silang kalabaw na may isang tagak na nakatuntong sa likod nito ay hindi niya napigilan ang sariling mapasinghap. It was indeed a piece of nature! Mga tanawing wala sa siyudad at tanging sa mga post cards at Internet lang niya nakikita. Ganoon pala ang tanawin sa probinsiya. At inakala pa naman niyang karatig-pook lang ng Maynila ang Bulacan. Makaraan ang sampung minuto pa ay pumara na si Jam. Humimpil ang tricycle sa isang makitid na kalye. “Narito na tayo?” excited niyang tanong. “Oo. Nandito na tayo sa bungad ng barrio namin,” tugon nito sabay tawa. “Isang kilometro na lang at mararating mo na ang sa amin.” Kunwa ay nanlaki ang kanyang mga mata? “Ano? Isang kilometro? Maglalakad lang tayo?” “Bakit? Exercise naman iyon ah. Alangan namang mag-trike tayo sa ibabaw ng pilapil. “Anong pilapil?” Sa halip na sagutin ay hinatak siya ni Jam. Ilang saglit pa ay naintindihan na rin niya kung ano ang ibig nitong sabihin.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD