Chapter 15

1319 Words
“HI, Miss Prettyful,” bati nito nang makalapit. Bahagya pa nitong dinunggol ang braso niya kaya agad na nag-init ang ulo niya. “Ano ba? Lumayo-layo ka nga sa akin! Prettyful-prettyful ka diyan!” asik niya. “Naasar na naman si Manang Bola. Ang aga-aga namang simangot niyan.” Niyuko pa siya nito at mabilis na pinisil ang kanyang baba. Hindi siya nakaiwas sa ginawa nito kaya agad siyang namula. Nang mahimasmasan ay tinampal niya ang isang kamay nito. “Ano ba? Huwag ka ngang nawiwili na hinihipo ako ha! Close ba tayo, ha? Close ba tayo?” “Huwag mo nang asarin si Alex, Liam. Puro ka kalokohan kaya ayaw na ayaw kang makita ng kaibigan ko eh.” Tiningnan niya nang makahulugan si Jam. “O, wala akong alam dito ha. Nag-text sa akin ang damuhong iyan kanina kaya totoo ang sinabi ko sa’yong hindi siya pupunta rito. Iyon ang sabi niya eh.” “Naisip ko kasing baka hindi makumpleto ang araw ni Alexa babe ko kung hindi ako pupunta, so I’ve changed my mind,” pilyo nitong tugon. “Excuse me. Hindi ako mahilig sa pet kaya umalis ka sa tabi ko at naaalibadbaran ako sa’yo.” Kunwa’y pinaypayan pa niya ng kamay ang sarili. “Ang sabi nila, ganyan daw talaga ang mga girls kapag nagkaka-crush eh. Idinadaan daw sa pagtataray. Totoo ba iyon, Alexa babe? What do you say?” Inilapit pa nitong mabuti ang mukha sa kanya at saka siya nito pinakatitigan. “Hindi naman kaya ikaw ang may crush sa akin, Don Pepot? Ikaw itong mahilig mang-asar kaya feeling ko, nagpapapansin ka. Ano? May gusto ka sa akin, ‘no? Sinasabi ko na nga ba eh.” Isang ngisi ang itinugon ni Liam sa kanya. “Ikaw? For me? Hmmm…” Hinaplos nito ang sariling baba at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nang magtagal ang pagtingin nito sa kanyang mga hita ay namula siya. “Not bad, puwede na. Ang kaso, hindi ko type ‘yung may glasses na tulad nito.” Akma nitong hahawakan ang salamin niya kaya maagap siyang lumayo at tinitigan ito nang masama. “Pare, tigilan mo na si Alex. Asar na asar na nga eh,” walang kangiti-ngiting sabi ni Jolo. “Ano ‘yon, Pare? May sinasabi ka ba?” liyad ang dibdib na tugon naman ni Liam, tila ba handang makipag-away kay Jolo. Pumagitna si Jam kaya nahinto ang alitan ng dalawa. “Yabang,” bulong niya. The man just grinned before he turned his back at her. Hindi sinasadyang napahaplos siya sa batok nang bahagya siyang makaramdam ng pangingilabot doon. He was rugged, isang katangiang turn off para sa kanya kaya nakapagtataka ang reaksiyong ito ng kanyang katawan. “Pasensiya ka na kay Liam, Alexa. Palibhasa ay mahirap kaya ugaling squatter.” Natahimik siya sa sinabi ni Jolo. Tinanguan na lang niya ito bagaman bahagya siyang na-offend. Well, hindi naman nito alam ang katayuan niya sa buhay. She just wondered how he would react had he known. “Sobra ka naman, Jolo. Alam mo namang mabait na tao si Liam. Hindi lang talaga maganda ang first meeting nila ni Alex kaya ganoon,” depensa ni Jam sa kaibigan nito. “Kahit pa. Hindi niya dapat binabastos nang ganoon si Alex. Bagong salta siya at bisita dito kaya dapat ay pakihirapan niya nang maayos.” “Salamat.” She obliged herself to say. Isang simpleng ngiti ang naging tugon ni Jolo bago ito nagyayang umusad na sila ng puwesto.   DAHIL nagkainitan sina Jolo at Liam ay sa kabilang grupo tumulong ang huli sa pagkakabit ng banderitas. Hindi na niya ito nakita hanggang sa dumilim. Natapos naman nila ang pagkakabit kaya mayamaya pa ay nakangiti ang lahat habang pabalik sa bisita. Doon na nila inabutan ang kabilang grupo. Dahil walo ang mga ito at anim lang sila ay mas naunang makatapos ang mga ito. Kumakain na ng merienda ang grupo nang datnan nila. Lumapit si Bianca para iabot sa kanila ang merienda. Sumang yakap daw ang tawag sa dalawang sumang pinagtali, ayon kay Jam. Isang pitsel naman ng kape ang iniabot nito kay Jolo na inilagay ng lalaki sa sulok ng kinauupuan nilang pew. Hindi niya alam kung bakit agad na luminga ang kanyang paningin para hanapin si Liam. Nagtataka siyang wala ito roon gayong narinig niyang sinabi nito kay Jam bago tumalikod na doon na lang daw sa bisita magkikita ang mga ito. “Hinahanap mo ba si Liam?” Mabilis ang naging paglingon niya kay Jam. Kunwa’y pinaikot niya ang mga mata bilang pagtanggi sa sinasabi nito. “Oh come on, friend…” “Okay, fine! Inaalam ko lang naman kung nandito siya dahil hindi ko siya gustong makita.” “Iyon lang?” pangungulit nito. “Promise.” Tumahimik na si Jam nang makita ang papalapit na si Jolo. Kumuha pala ito ng tasa, platito at kubyertos kaya saglit itong nawala. Tinanggap niya ang inabot nitong platito at tinidor saka kumuha ng isang suman. Inilagay niya iyon sa platito at saka ipinatong sa kandungan. Bubuksan na sana niya ang suman nang unahan siya ni Jolo. “Let me,” nakangiting wika nito sa kanya. Noon niya napagmasdan ang lalaki. He was as tall as Liam. Halos pareho rin at hindi naghuhuli ang pangangatawan ng dalawa. May pagka-singkit ang mga mata nito na bumagay naman rito. Kung sa anyo lang din ay hindi ito magpapahuli kay Liam. Ang tanging pagkakaiba ng mga ito ay ang pag-uugali at paraan ng pagtrato sa kanya. Jolo was nice to her, samantalang si Liam… Nagpasalamat siya kay Jolo at saka nagsimulang kumain. Napangiti siya kay Jam nang matikman ang suman. “Ang sarap, ha. Sana, meron din nito sa Manila.” “Don’t worry, dadalan kita pag-uwi mo roon,” ani Jolo. Hindi niya alam kung nagbibiro ang lalaki pero nang tingnan niya ito ay mukha naman itong seryoso sa sinabi. Gumanti siya ng ngiti rito at nakipagbiruan. Noon niya nakita ang pagpasok ni Liam. Salubong ang mga kilay nito at hindi halos maipinta ang anyo habang nakatingin sa kanila. May dala itong gitara sa isang kamay. Nang makita ito ni Jam ay agad itong sinalubong ng kaibigan. Hinatak nito si Liam sa isang pew na malapit sa kinauupuan nila. Nang lingunin niya ang dalawa at makitang sa kanya nakatingin si Liam ay inirapan niya ito. Nagkunwari siyang matamang nakikinig sa sinasabi ni Jolo at hindi na niya ito tiningnan. Ang kaso ay hindi niya naiwasan ang mapalingon rito nang marinig itong tumitipa ng gitara. Napakahusay pala nitong tumugtog at wala ni isang kalabit nito sa instrumento ang pumalya sa tono. Bawat tunog na nililikha nito ay tila punung-puno ng damdamin, idagdag pang awitin ni Gary Valenciano ang hina-hum nito. Nang sabayan nito ng pag-awit ang tinitipa ay hindi niya naiwasan ang makinig. Ano pa kaya ang dapat gawin ng isang katulad ko, Upang paniwalaan at intindihin mo, Ang mga nais sabihin ng puso ko… Hindi niya mapaniwalaang ang lalaking kasing-antipatiko nito ay nabiyayaan ng ganoon kalambing na boses. Maging si Jam ay napapatulala rito. Gumagalaw din ang katawan ni Liam habang kumakanta at ang mga galaw nito ay nakadaragdag sa appeal ng lalaki. Appeal? So she considered him likable now? She immediately discarded the thoughts. Oh, ang babae, nakakatuwa, Maliit na bagay lamang pinalalaki pa, Ba't ayaw mong limutin ang nakaraan, ‘Di mo na ako pinapansin, ‘di na rin minamasdan… Sa puntong iyon ay nahuli niya ang pagsulyap ni Liam. Ilang saglit na nagsalubong ang kanilang mga tingin. Kung hindi pa nagsalita si Jolo ay baka nakipagtitigan na lang siya kay Liam hanggang mamaya. Nang balikan niya ito ng tingin ay abala na ito sa ginagawa. Pangiti-ngiti ito habang kumakanta habang si Jam naman ay sumasabay dito. Hindi niya naiwasan ang mapahugot ng buntong-hininga dahil doon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD