bc

Swift Repertoire Book 3: Illicit Affair (Taglish)

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Sampung taon nang mag-nobyo sina Grachelle at Allen nang mahuli niyang may babaeng nakapatong dito sa mismong kama nilang dalawa.

Dahil sa pait at pighati, binalak niyang maghiganti rito. She applied at his job kung saan katrabaho nito ang bagong nobya.

Kaso ay nawala siya sa landas ng paghihiganti nang makilala niya ang bilyonaryong may-ari ng kumpanya na pinagtatrabahuan nila na si Surth. Ang lalaking nasampal niya nang isang beses.

At bakit tila nahuhulog na ang loob niya sa bilyonaryong kaliwa't kanan ang babae? Makakawala pa kaya siya sa mga kamay nitong mahusay maglaro ng puso?

"Surth will make you squ*rt."

— Surth

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nanginginig ako nang makita ang pamilyar na itim na kotse sa parking lot ng Dwight Residences kung saan ako nakatira. Medyo malamlam ang ilaw dito. Hindi tinted ang kotse at kitang-kita ko ang ginagawang kahayupan ng mga sakay nito. Kakatanggap ko lang ng reply ng nobyo ko, dahil tinanong ko siya kung nasaan siya. Sabi niya ay nasa trabaho pa siya. Nanlabo na ang paningin ko habang nagpipigil ng hikbi, hanggang sa pumatak na nga ang mga luha ko nang makita ang maalab na paghahalikan ng nobyo ko at kung sinong malanding bruha, sa loob ng sasakyan niya. Kagagaling ko lang sa grocery at may apat na supot akong hawak na may lamang mga pinamili. Wala sa loob akong lumapit sa sasakyan at pinaghahampas ang bintana kung saan naroon ang babae, gamit ang mga supot na may mga delata pa. "Mga walanghiya kayo! Ang bababoy niyo!" nagsisigaw kong pag-iyak. Hindi ako nakuntento at hinampas ko ang side mirror hanggang sa nakita kong bumagsak ito sa sahig. Maski ang windshield ng sasakyan ay pinaghahampas ko na. Awtomatikong napatingin sa akin ang babae at punong-puno ng pagtataka ang mukha niya at hindi ko na napansin ang nobyyo ko dahil sa galit ko sa makating bruhana naririnig kong nagsisigaw na sa loob ng sasakyan. Nang makita kong bumukas ang pintuan ng nobyo ko ay binato ko ang mga supot na hawak ko sa bintana ng babae at mabilis na naglakad papunta sa demonyong kakalabas lang ng sasakyan. Mabilis akong naglakad papunta sa kanya at malutong kong sinampal ang kanyang pisngi. Napanganga na lang ako habang pakurap-kurap kong tinignan ang lalaking nasampal ko. Hindi ko siya kilala, t*ngina! "What the f*ck are you doing!" nagagalit na hiyaw ng lalaki sa'kin. "I said what the f*ck are you doing! Who are you!" Binuksan nang babae ang bintana niya at sumigaw. "Babe, are you okay?" Hindi sinagot ng lalaki ang nobya niya at sa halip ay tinitigan lang niya ako nang masama. Namumula ang kaliwang pisngi niyang sinampal ko at natuon doon ang paningin ko nang ilang segundo. Sinubukan ko sanang magpaliwanag, pero walang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Napalunok na lang ako sa kahihiyan. "I-I am sorry." Napayuko ako sa sobrang hiya. "What! Matapos mong sirain ang sasakyan ko at bugbugin ako magso-sorry ka? Ano ka, sinuswerte?" Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit. Saglit kong napansin na gwapo siya at ang ganda nang pagkahulma ng panga niya. May mgga bagong tubo siya na bigote at kay ganda noong tignan. "I-I... Babayaran ko ang nasira ko sa kotse mo... And send me your medical bill—" "I don't need your f*cking money! I'm gonna sue you and will send your big fat a*s to jail!" Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Ano manyak ba siya? Napansin talaga niya agad ang puwit ko? "Nag-sorry na ako 'di ba? Sinabi ko na ngang willing ako magbayad, ano gusto mo pang gatasan ako?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook