Inis na tumayo si Drake at humarap kay Shun. "Problima mo?!" "You kissed my girl, bro!" gigil na duro rito ni Shun. "Your girl? f**k you, Shun! Ang swapang mo naman yata! Inangkin mo na nga yung isang Guerrero, diba? Pati ba naman ang isang ito? Ba't di ka na lang doon sa chic mong Australian?" Mabilis na pumagitna ang tatlo pang kasama nila. "Hey! Chill!" "I don't care what you say, Drake! Stay away from her!" angil ni Shun at bumaling kay Apple. Tinaasan niya ito ng kilay. "Jealous, Shunjiro? Anyare sa date mo?" Hindi ito sumagot. Sa halip ay bigla na lamang siya nitong hinatak sa braso. "Uwi na tayo!" 'Sabi ko na hindi mo ako matitiis.' Napangiti siya sa naisip. Mabibilis ang mga hakbang ni Shun at sinisikap niya itong pantayan sa kabila ng suot niyang high-heeled sandals

