Buhay si Apple. Halos magtatalon sa tuwa ang kaniyang pamilya nang makita siya. Hindi pa nakakabawi ang mga ito mula sa lungkot pero ginulat naman niya ang mga ito sa bigla niyang pagsulpot sa kalagitnaan ng pagluluksa. "Patay na si Ariadna Guerrero. Ang nasa harap niyo ngayon ay si Ariadna Zaragoza." "Apple!" Lumundag sa kaniya si Dimples saka siya niyakap nang sobrang higpit. Iyon talaga ang plano niya—ang patayin ang nag-iisang tagapagmana ng Guerrero cartel at buhayin ang anak ni Atty. Ricky Zaragoza. Sinakripisyo niya ang kanilang pinakamalaking hotel at ang ilang inosenteng buhay para lang tapusin ang lahat ng ugat ng kaguluhan. Gusto na niyang tapusin lahat. Gusto na niya ng katahimikan. Gusto na niyang magbagong buhay kasama ang lalaking pinili niyang mahalin... Iyon ay kun

