Pinalipas ni Shun ang dalawang araw bago siya nagtungo sa bahay nina Dimples. Atat na siyang marinig mula rito ang totoo. Bukod doon, gusto na rin niyang makita si Zayn. Gusto niyang malaman nito ang totoo. Gusto niya itong kunin. Gusto niyang magpakaama rito. Karapatan naman talaga niya iyon, hindi ba? "Si Dimples?" tanong niya sa katulong. "Ahm, nasa taas po, sir Shun. Pasok po kayo," anitong binuksan nang malapad ang gate. Tinanguan niya ito saka pinausad papasok ang kaniyang sasakyan. Dumiretso kaagad siya sa itaas. Natagpuan niya si Dimples sa kwarto ni Zayn. Naabutan pa niya ang mga ito na nag-iyakan. Bahagyang nakaawang ang pinto ng silid kaya kita niya ang dalawa at rinig niya ang pag-uusap ng mga ito. Hindi niya magawang kumatok. Kinakabahan siya sa paghaharap nilang mag-a

