"JOAQUIN!!!" Halos sirain na ni Shunjiro ang pinto para lang makalabas. Ilang araw na siya ikinulong ng mga siraulong iyon sa sarili niyang kwarto. Hindi naman siya ginutom pero walang-hiya lang! Ano'ng karapatan ng mga ito na ikulong siya sa sarili niyang pamamahay?! "Humanda ka talaga sa akin, Joaquin! T4ngina mo!" Pinagpupukpok na niya ang door knob pero hindi niya pa rin ito mabuksan dahil nakakandado sa labas. Hiningal na siya dahil sa matinding pwersang nagamit niya. Mayamaya lang ay biglang bumukas ang pinto. "Hoy—" duduruin niya pa sana si Joaquin pero nang makita ang mabigat nitong mukha ay napahinto siya. "Ano'ng nangyari sa iyo? Mukha kang natat4e, ah?" Bumuntong-hininga ito. "Tumawag ang isa sa mga tauhan ni papa mula sa Mexico... Wala na si Ariadna." Kumunot ang no

