Nakasakay na ngayon ng eroplano si Shun pabalik ng Pilipinas. Gusto pa niyang manatili sa tabi ni Apple pero ano pa nga ba ang magagawa niya kung ipinagtabuyan na siya nito? Gusto man niyang ipaglaban ang pagmamahal niya para rito pero, may halaga pa ba iyon kung harap-harapan na nitong sinabi sa kaniya na wala itong pagmamahal sa kaniya? Kalyado na si Shun at halos manhid na sa sakit mula pa pagkabata pero ang sakit na tinamo niya kay Apple ay malala. Kaya nitong lumikha ng pinakamalalim na sugat sa kalyado niyang puso. He was taken for granted. Iyon ang klaro sa kaniya ngayon. Para lang siyang nakikipagkarera pero walang nakukuhang premyo. Buwis buhay pero walang napapala. He loves her pero walang patutunguhan ang pagmamahal niya para rito. Ano ba ang mapapala niya? Aliw ngayon

