57

1600 Words

Nanlaki ang mga mata ni Dimples nang makita ang malabong footage mula sa cctv camera ng ospital ni Mrs. Caroline Nagamori, ang stepmother ni Shun. Pinanood niyang maigi ang pagpasok ni Adelle kasama ang isang babae sa isang lab. Sabay ang mga ito na pumasok at sabay ring lumabas. Pagkatapos ay nagtungo naman ang mga ito sa ultrasound room. Bakit laging sabay ang dalawa? Naglalaro na ngayon ang mga pagdududa sa isipan niya. Buhat noong malaman niya ang impormasyon mula sa private investigator na nag-espiya kay Adelle ay hindi na siya nakakatulog nang maayos. Mayroon umanong babaeng dinadalaw si Adelle linggo-linggo at binibigyan niya ito ng pera at prutas. Kaya naman nagtiis siya kahit tatlong gabi siyang puyat, para lang malaman ang katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD