Kaagad na dinaluhan ni Apple ang nakahandusay na si Don Gerardo kasabay ng mga tauhan nila. "Papa!" He's unconscious. Kinapa niya ang pulso nito. "Dalhin ninyo si papa sa hospital!" utos niya sa mga tauhan nila. Sinundan niya ng tingin ang posibleng pinanggalingan ng bala. Madilim ngunit sa katapat na tower ay may nakita siyang tila kumikinang na bagay. Kinuha niya sa ilalim ng jeans niya ang señorita pistol na lagi niyang dala for self-defense saka siya mabilis na tumakbo patungo sa tore na hinaharangan ng isang lumang building. "Señorita!" Hindi na niya pinansin ang pagtangkang pagpigil ng mga ito. Nasa malapit na tower ang sniper na bumaril sa papa niya! Kailangan niya itong mahuli! Lumiko siya sa gusali at hindi inaasahang mabangga ng isang lalaki na nagmamadali rin sa

