NAGISING si Apple na nakahiga na sa hospital bed. Marahan niyang ikinurap ang mga talukap. "Mabuti naman at gising ka na." Natuon ang paningin niya sa lalaking nakaupo sa isang single couch malapit sa uluhan niyang nakatutok ang paningin sa hawak na papel. "Joaquin..." mahina niyang sambit. Umayos ito ng upo at humarap sa kaniya. "Kumusta ang pakiramdam mo?" "Mhh..." Sandali siyang pumikit sabay hinga nang malalim. Pinakiramdaman niya ang sarili. "Ok lang naman ako. Pero hindi ko maintindihan ang gustong mangyari ng katawan ko." Napatingin siya sa kamay niyang nakabenda. Makirot pa rin nung ginalaw niya pero malayo sa bituka kaya hindi na niya pinansin. "Si papa?" Mapait itong ngumiti. "He's in the ICU. Tinamaan siya sa leeg pero tumagos ang bala. Lucky him, hindi tinamaan an

