Papunta na ng hospital si Renzi para dalawin si Apple nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Itinabi niya ang sasakyan saka ito sinagot. "Hello, Shun?" "Sir Renzi!" Kumunot ang noo niya. "Aling Caridad?" "Opo, sir! Pinakialaman ko na ang phone ni sir Shun. Hinimatay kasi siya!" "Ano? Nasaan kayo?" "Nandito ho sa bahay niya, sir! Kasama ko ngayon si ma'am Adelle!" Nanlaki ang mga mata niya. Si Adelle! What is that b***h doing in Shun's house?! "Pasensya na po sa istorbo, sir. Wala na kasi akong ibang naisip na tawagan. Tinatawagan ko si Señorita Apple, pero hindi siya sumasagot. Tinawagan ko rin si Sir Kairo pero hindi ko makontak." "It's okay. Bantayan niyo na lang ho si Shun, aling Caridad! Kahit ano'ng mangyari, huwag niyo ho siyang iwan kasama ang ibang tao!" "Opo,

