Pagkarinig ni Melissa ng malamig na boses ni Hugo, napahinto siya sa paglalakad palabas ng kusina. Humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kanyang damit, pilit nilulunok ang pride na natitira sa kanya. "Bumalik ka rito, Melissa," utos ni Hugo, mas malamig ang tono kaysa kanina. "Humingi ka ng sorry kay Cassandra." Lumingon si Melissa, nakakunot ang noo, ngunit hindi siya makatingin nang diretso kay Hugo. "Bakit ako hihingi ng sorry? Wala akong ginawang masama." Tumayo si Hugo mula sa kanyang kinauupuan at tumingin nang mariin kay Melissa. "Pinapahiya mo siya sa harapan ko, Melissa. Hindi ko alam kung anong trip mo, pero hindi ko papayagan 'to. Ayoko ng drama sa bahay na 'to." Tumikhim si Cassandra, kunwaring nagpapakumbaba. "Hugo, hindi na kailangan. Naiintindihan ko naman si Mel

