Naisipan na lang ni Melissa na lumabas ng mansyon upang pumunta sa simbahan. Pakiramdam niya, ang tanging makakapagpagaan ng kanyang kalooban ay ang paglapit sa Diyos. Nagbihis siya ng simpleng damit, isinuklay ang buhok, at walang makeup na umalis ng bahay. Habang naglalakad patungo sa simbahan, ramdam niya ang sariwang hangin na kahit papaano ay nagbibigay sa kanya ng kaunting ginhawa. Pagdating niya sa loob ng simbahan, tahimik itong naupo sa isang sulok. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagsimulang magdasal. "Panginoon, alam ko pong hindi perpekto ang buhay ko ngayon, pero hinihingi ko po ang lakas para harapin ang lahat ng ito. Sana po, bigyan N'yo ako ng kaliwanagan kung ano ang dapat kong gawin." Habang bumubulong siya ng panalangin, hindi niya napigilang pumatak ang kanyang

