Habang nakahiga pa rin si Melissa sa kama, pilit niyang nilalabanan ang antok at katamaran. Ayaw niyang bumangon dahil sa kaba na baka magkabanggaan na naman sila ni Hugo. Ayaw niyang masira na naman ang umaga niya sa mga masasakit na salita. "Baka mas mabuti pang manatili na lang ako rito," bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kisame. Ngunit biglang nag-ring ang cellphone niya. Inabot niya ito mula sa bedside table at agad na sumilay ang pangalan ni Christian sa screen. Napabuntong-hininga siya bago sinagot ang tawag. "Christian, anong meron?" tanong niya, pilit na pinipigilan ang ngiti sa labi. "Melissa! Kamusta ka na? Sabi mo magpapahinga ka lang, pero parang naririnig ko na namang problemado ka," sagot ni Christian na halatang nag-aalala. Napangiti si Melissa. "Wala, Christi

