Kabanata 7

2037 Words
Rabiah "Kuya Russia, uwi na po ako," paalam ko nang magsara na ang shop. Tiningnan niya ako habang pinupunasan niya ng bimpo ang mga kamay niya. "Wait for me. I'll give you a ride home." Napasunod na lamang kami ni kuya Boyd ng tingin sa kanya nang nagtungo siya sa hagdan paakyat. Lumabas naman ng counter si kuya Boyd at sinimulang mag-inventory ng ink. "Kinuha lang no'n 'yong susi niya." Ngumisi siya sa akin. "Nene ka kasi sa paningin niya kaya 'di talaga papayag na maglakad ka pauwi." Napasimangot ako. "Hindi na nga ako nene, eh." "Liit mo kasi." He laughed softly. "Naaalala siguro niya sa'yo si Georgia kaya ganyan." Kumunot ang noo ko. "Georgia?" Tumango siya. "Kapatid niyang babae." "Ah." Inayos ko ang pagkakasabit ng totebag sa balikat ko. "Ilan sila, kuya Boyd?" "Apat. Panganay siya, pangalawa si Israel, pangatlo si Georgia, pang-apat si Morocco." "Ang cool naman ng mga pangalan nila. Puro bansa. Sa amin, parang naisip lang nina Mama ng last minute tapos 'yon na." Naglista siya ng nabilang sa unang lagayan. "Bakit? Ano bang mga palangan n'yo?" "Rabiah, Jerome, Efren saka Lovely." He jerked his head. "Ayos naman? Maganda nga mga pangalan ninyo." "Naku, kuya Boyd huwag mo na akong bolahin." He smirked. "Hindi naman. Totoo namang magaganda, lalo 'yong sayo." Narinig namin ang mga yapak ni kuya Russia nang bumaba ng hagdan. Nakatingin siya kay kuya Boyd habang may kaunting kunot sa noo. Ewan ko kung bakit ngumisi si kuya Boyd bago nagtaas ng dalawang kamay. Umirap naman si kuya Russia saka bumaling sa akin. "Let's go." Tumango na lamang ako bago parang tuta na bumuntot sa kanya palabas. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa shotgun at inalalayan sa lower back ko nang makasampa ako sa kotse. Pangalawang beses na ito na ihahatid niya ako pero parang hindi ko pa rin napoprosesong mangyayari ito. Oo na. Siguro dahil lang naaalala niya sa akin ang kapatid niya gaya ng sinabi ni kuya Boyd pero hindi ko pa rin talaga maiwasang kiligin. Sino ba ang hindi kung iyong lalakeng natitipuhan mo ang maghahatid sa'yo? "Seatbelt," seryoso niyang sabi nang makapasok ng kotse. Tumango ako't inalala kung paano niya ikinabit ang seatbelt ko kahapon. Buti na lang at natandaan ko kaya hindi ako parang batang kailangan na naman ng tulong niya. Umayos ako ng upo habang pinaiinit niya pa ang makina. He's on his phone, too reading some chats from someone. Aksidente ko lang namang nakita iyong screen. Hindi ko sinasadyang mabasa 'yong chat ng babaeng nagngangalang 'Freyja'. Freyja: When will you forgive me? Bumuntonghininga si kuya Russia saka niya blinock ang nag-chat. Mabilis naman akong umiwas ng tingin nang hindi niya mahalatang nabasa ko iyong chat sa kanya. He put his phone away then fastened his seatbelt. "Boyd is ten years older than you," bigla na lamang niyang sabi. Napakurap ako. "Po?" He maneuvered the car then answered me without glancing my way. "I said he's ten years older than you." Nalukot na nang tuluyan ang aking noo. "Uh . . . alam ko po? Teka, bakit po?" Seryoso niya akong tiningnan. "If you ever develop feelings for Boyd or you guys will get into a relationship, I'm gonna have to fire you and I don't wanna do that because you've got big dreams to chase so might as well reconsider things first." "Ha?" Natawa ako. "Ay, grabe naman judger po." Napatitig siya sa akin. Ewan ko. May tinga ba ako sa ngipin at sa ngiti ko siya nakatutok? Humugot ako ng hininga upang kontrolin ang sarili ko. Grabe naman kasi. TH naman. Siya ang crush ko, ha! "Hindi ko po gusto si kuya Boyd. Parang ano lang . . . kuya-kuya gano'n," paliwanag ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Parang ako, hmm?" Hindi, syempre. I pursed my lips then nodded. "S-Sabi mo nga po, matanda na siya." Pero kung ikaw po, syempre pwede naman i-consider. Gusto kong kurutin ang sarili ko. Nahawa na yata ako sa pananalita ni Tasya! "Good." Ibinalik na niya ang tingin sa daan. "You're still young and has a lot ahead of you. Focus on your dreams. Men can wait." Tumango na lamang ako. "Seryoso po ako. Kuya-kuya lang talaga ang tingin ko kay kuya Boyd. Saka kakatayin ako ng nanay ko kapag nag-boyfriend ako ng may tattoo. O kung mag-boyfriend ako ng kahit sino." Bumuntonghininga ako nang maalala ang mangyayari bukas. "Bugbog ang abot ko kung aayawan ko si Dariuz." Ihininto niya ang sasakyan saka salubong ang mga kilay akong tiningnan. "That jerk from yesterday?" "Opo. Ano kasi, gusto ni mama 'yon para sa akin. Mayaman daw po kasi." He scoffed. "He's nothing. What kind of mother do you have?" Lumamlam ang mga mata ko. Parang nakunsensya naman siya. Siguro akala ay nainsulto ako gayong ang rason naman ng paglungkot ko ay ang reyalisasyon na hindi iniisip ni mama ang kapakanan ko. Basta may pera si Dariuz. Iyon ang mahalaga. "Sorry." He looked away. "I didn't mean to offend you." "Ayos lang po." Basag akong ngumiti. "Natanong ko na rin talaga 'yan sa sarili ko kasi parang . . . hindi kami mahal ni mama. Parang naging anak lang kami kasi . . . nag-iinit sila ni papa tapos noong nabuntis siya, bahala na si Lord." Peke akong natawa. "Ang dami kasi nilang time magloving-loving, eh." Napansin kong may dumaang awa sa mga mata niya. He seems like he wanted to tell me something, too. Pero gaya ng ilang beses na ganoon ang nararamdaman kong gusto niyang gawin, itinikom na naman niya ang bibig niya't nagmaneho na lamang ulit. Hinihintay na ako ni Jerome sa kanto nang dumating kami roon. Inayos ko na ang bag ko at magpapaalam na sana kay kuya Russia nang maunahan niya akong magsalita. "You don't have to please anyone or do something you're not comfortable doing, kahit nanay mo pa ang nagsabing gawin mo. Boundaries are boundaries, Rabiah. You gotta put your own welfare above else." Lumamlam ang aking mga mata dahil alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. "Salamat, kuya Russia. Mukhang . . . kailangan kong marinig 'yan kasi hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko." Marahan siyang tumango. "I'll see you tomorrow." Payak akong ngumiti. "Salamat po sa paghatid. Goodnight po." Lumabas na ako ng kotse. Lumapit naman sa akin si Jerome at kinuha ang basket pati ang bag ko. Pareho rin namang kinawayan si kuya Russia bago kami naglakad pauwi, ngunit gaya ng hula naming magkapatid, hindi na naman umalis kaagad si kuya Russia hangga't hindi kami nakaliliko. Pagdating ng bahay ay ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang perang binibilang ni mama sa kusina. Pamilyar ang karton na nasa ibabaw ng mesa kaya halos tumigil ang t***k ng aking puso. Nagtama ang tingin namin ni mama. Naningkit ang mga mata niya sa akin saka ako galit na nilapitan. "Saan galing 'to? Bakit hindi mo ibinigay sa akin, ha?! Binigyan ka na ba ni Dariuz nang hindi ko alam?!" "Hindi po, ma. Iniipon ko po 'yan para sa aviation school--" "Ilusyonada! Anong aviation school ang pinagsasabi mo? Sinabi ko na kay Dariuz. Pwede kang galawin bukas. Sa loob mo lahat ipaputok nang malamanan ka kaagad at nang wala nang takas iyon! Kapag nabuntis ka no'n, eh 'di solved ang lahat ng problema natin. Hindi ka talaga nag-iisip. May nalalaman ka pang aviation school, isa't kalahati ka namang tanga!" Para akong sinaksak sa dibdib. Nanigas ako sa kinatatayuan at halos hindi na makahinga sa sakit ng kalooban ko. Tama ba ang narinig ko? Mismong nanay ko ang nag-udyok sa lalakeng nanghipo sa akin na galawin ako? Paano kung pumalag ako? Hahayaan niya pa rin? Uminit ang sulok ng aking mga mata. "Ma, bakit ka naman ganyan?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Anong bakit ako ganito? Natural ginagamit ko ang utak ko!" Lumabo ang paningin ko dahil sa mga namuong luha. Tiningnan ko ang perang hawak niya. "Akin po 'yan, Ma." Napahikbi ako. "Pang-aral ko 'yan, ma. May mga pangarap ako para sa atin kaya sana huwag ka namang ganyan." "Nakakaintindi ka ba? Ikaw na nga itong tinutulungang umangat sa buhay! At anong sinasabi mong pera mo? Hoy! Kahit magkwentahan tayo ngayon ng lahat ng ginastos ko sa'yo magmula noong ipinanganak ka, kulang pa 'to!" Dinuro-duro niya ang sintido ko. "Gamitin mo 'yang kokote mo!" Humikbi akong muli. "Hindi ko naman po hiniling na ipanganak n'yo ko, eh. Saka parang hindi n'yo naman ako anak na handa ninyo akong ipagkanulo ro'n kay Dariuz kahit katawan ko lang ang habol no'n. H-Hindi po ako pupunta bukas. Pasensya na po pero kung aangat man ako sa buhay, sisiguraduhin kong dahil pinaghirapan ko ang pag-angat ko," sagot ko. Napuno na kaya hindi na nakapagpigil. Dumilim nang husto ang ekspresyon ni mama. "Anong sabi mo? Hindi ka sisipot?" Ibinulsa na niya sa daster niya ang perang inipon ko. "Pwes, kung ganyan ang katwiran mo, wala ka nang karapatang maging palamunin sa pamamahay na 'to." "Ma!" si Jerome. "Matigas ang ulo mo? Sige! Umalis ka rito! Huwag na huwag kang babalik dahil baka mapatay lang kita! Letse! Walang utang na loob! Lumayas ka bago kita saksaking hayop ka!" Tiningnan ako ni Jerome ng may lungkot sa mga mata. Nang hindi ako kaagad nakakilos ay kinuha ni mama ang kutsilyo sa lababo kaya dali-dali akong ipinagtulakan ni Jerome palabas ng bahay. "Sige na, ate! Umalis ka na muna!" "Pero paano kayo?" umiiyak kong tanong nang makatakbo kaming pareho palabas. "Ako na ang bahala kina Efren at Lovely. Ipon ka na muna, ate tapos kapag kaya na, pangako itatakas ko sila. Kahit tayo na lang apat, ate," naluluha na rin niyang sabi. Humihikbi kong niyakap ang kapatid ko. "Pangako, mag-iipon ako nang mabilis. Aalis tayong apat dito." "Naniniwala ako sa'yo, ate. Sige na bago pa tayo maabutan ni Mama. Dumiretso ka na muna sa shop at doon magpalipas ng gabi. Mabait naman ang boss mo." Halos itulak na niya ako nang marinig namin ang boses ni Mama. "Sige na, ate!" Luhaan akong naglakad-takbo pabalik ng shop, at sa bawat hakbang ko, wala akong ibang maisip kun'di ang mga salitang binitiwan ng sarili kong nanay kanina. Paano niya naatim na sabihin lahat 'yon sa akin? Dugo't laman niya ako pero bakit handa niya akong saktan nang gano'n? Nahihiya man, kinatok ko ang pinto ng shop upang matawag ang atensyon ni kuya Russia. Nasa loob pa siya ng shop at inaayos ang design para sa maagang session bukas kaya madali niya akong nakita. He stood up and then walked towards the door. Nabalot kaagad ng pagtataka ang itsura niya nang makita ang nag-uunahan sa pagpatak kong mga luha. "What the hell happened to you?" he asked while holding the door. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan saka ako basag na ngumiti. "A-Ano lang po, may . . . kaunting problema sa bahay." Napahikbi ako. "P-Pwede po bang . . . makitulog muna rito kahit isang gabi lang? K-Kahit po . . . sa sahig lang ng shop. W-Wala kasi akong matutuluyan." Bumuntonghininga si kuya Russia. "You cannot sleep on the floor," sagot niya kaya bumagsak ang mga balikat ko sa pag-aakalang ayaw niyang makitulog muna ako roon ngunit maya-maya ay muli siyang nagsalita. "It's not comfortable. Get inside. There's an extra mattress in my room that Boyd uses whenever he spends the night here." Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa sinabi niya at parang naging gripo ang mga mata ko. Para akong batang humagulgol. Wala na rin sa sarili akong napayakap sa kanyang baywang at sumubsob sa hulmado niyang dibdib. Halatang nagulat siya sa biglaan kong pagyakap ngunit imbes na itulak ako palayo ay bumuntonghininga lamang siya saka niya hinagod ang aking likod. "Thank you. Promise isang gabi lang po." He sighed. "You can stay as long as you have to." He continued caressing my back. Humugot naman ako ng malalim na hininga't hinayaan ang sariling damhin ang bawat hagod ng palad niya sa aking likod. I rested the side of my head on his chest and listened to his heartbeat, and as kuya Russia silently comforted me, I felt something I couldn't find at home no matter how hard I searched. The feeling of being safe . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD