YUVIE ZADE VELLARAMA POV
AT VELLA HEAD OUT, prenteng naka-upo yung apat na Hito na animo boss. May pade-kwarto pang nalalaman, may paisip-isip pa nga kunwari. Kapal ng mga mukha e! Wala namang utak. Tsk! Umalis kami kanina pagkatapos kung maligo at malinisan ng mga 'to yung bahay ni Auntie Divine-auntie ni Chery, doon s'ya nakatira. Doon din kami natambay anim nong maliliit pa kami na hanggang ngayon.
At itong hideout na nandito ito sa bahay ni Tiya Lily, wala s'ya ngayon for sure nasa Canada 'yon. Feeling dalaga yun e, isa pa wala yun anak. Nandito rin si Chery, pero nasa cctv room 'to tinitignan yung nangyayari sa labas habang kami nag me-meeting. Pero naririnig n'ya rin naman kami, sa pamamagitan ng isang bluetooth device.
"So, what's the plan?" Tanong ni Jasper June Collado Aire one of our childhood best friends. Matinik sa paghawak ng baril, pero lampa minsan. Tsk! 'eto yung nadulas kanina e.
"Wala." walang gana kung sagot, sabay lungkot-lungkotan ko ng mukha.
"Anong wala couz? Hahayaan mo na naman ba sila Uncle ang mag-dedesisyon sa buhay mo?" Inis na tanong ni Milekaj, kita sa mukha nito na hindi na s'ya natutuwa sa nangyayari.
Milekaj Ford Cesár Vellarama it was my cousin ahead of 1 year to me. Kasi sila yung mga ka-edadran ko't ka-close noon pa. Dahil sa reaksyon nito mukhang tanga akong ngumiti.
"Cheer up! It's a f*cking prankkk!" Sigaw ko sa kanila. Kung kaya binato nila ako ng bagay na madadampot nila.
"Ta*na! Ang sakit ah?" Inis kung sigaw sa mga 'to ng tamaan ako sa braso kakasalag ng mga bagay na itinapon nila.
"May gana ka pang mang-prank sa lagay na yan. Ta*na mo Tibo!" Sigaw ni Yogs. Galit na galit ang Hito e no?
"Hahaha!, ang seryoso n'yo e. Ang effect naman ng mga mukha n'yong apat. Ipakita mo nga sa monitor Hon." Anang ko kay Chery na nakikinig sa'min na natatawa rin.
"Heh! Tumigil kayong dalawa. Pag-umpogin ko kayo e." Asik ni Xykeil na naka-kunot ang noo sa'kin at kay Yogs.
"Oo, na, seryoso na. Yung sa Liga? Anong ganap doon?" Pag-iiba ko na ng usapan. Mga highblood e, siguro talo ang mga ito sa pustaan kaya ganito.
"Makakalaban natin yung team KersonGem." Sagot ni Jasper habang nagsusulat, hobies n'ya yan.
"KersonGem? Bagohan?" Tanong ni Yogs na nagtataka.
"Hindi, nagpalit lang sila ng team name. Isa pa magaling raw yung bagong captain nila. Ayon ang chismis." Ani ni Milekaj, chismoso to e. Kaya ayan magaling man-track ng location. Basta about sa wireless alam ng hitong to.
"Eh, sa gaano kailangan ko na bang matakot?" Natatawang usal ko.
"Hindi magsaya ka, nahiya kami e." Sarkatistong sagot ni Yogs. Minsan diko alam kung pinsan ko to.
"Pinsan ba talaga kita T*kmol?" Ngiti kung asar rito.
"P'wede ba tumigil na kayong dalawa d'yan. Cod, bukas kailangan na nating mag practice. Alam nating magaling na tayo sa ganyan. Pero si Uncle lang pinu-problema ko kapag malaman n'ya ito lahat. Masasayang lang lahat ng ginagawa nating 'to." Advice ni Xykeil sa'kin.
Lahat sila alam na nilang nangyari sa'kin, na babae talaga ako. Pero sa mata ng iba, lalaking-lalaki ako. Hindi ako ganito kapag nasa harap ng ibang tao. They knew I am a cold and heartless man. Malupit sa lahat ng bagay even sa laro, hindi ko pinapalagpas ganon din sa mga babae. Ang dami kung babaeng nasaktan pagkatapos kung makuha yung gusto ko ay iniiwan ko rin sila.
Pero sa kabila noon, saksi ang kwartong to sa sakit at luha na hindi ko na kaya pang itago. Nong unang malaman yun ni Chery, awa ang s'yang makikita mo sa mga mata n'ya. Awang-awa s'ya sa tulad kong alapin ng sarili kung pamilya. Alam ko naman ang rason ni Dad e. Pero masakit pa rin yung bagay na ginagawa mo ay s'yang ayaw mo, pero kailangan mong gawin para sa ikabubuti ng lahat.
Kaya ng malaman din nila yung sekreto ko. They help me, na magawa ko ng maayos ang misyon ko. Para sa ganon matapos na itong pag-papanggap ko. Kailangang hindi ako maalis bilang Hari sa underground kung hindi mawawala lang ang lahat.
"Sige, kung ayan ang dapat na gagawin natin, gawin natin." Seryoso kung usal, bago lumabas sa Hideout na yun. Dahil ayaw ko ng makita muli yung sarili ko na nakaka-awa.
SOMEONE'S POV
"Tagal ng hindi nag paparamdam ang VellaHan ah?" Nakakalokong tanong ng pinsan kong si Nivek Clemente Faulkerson.
"Siguro, nagpapalakas pa. I know Mr. Vellarama isn't here, nasa Canada 'to kasama ang tiyahin." Puna rin ni Eiderl Jhys Wilson
"Wala tayong rason para matakot sa kanila. Isa pa nahanap ko na ang nag iisang anak nito." Sagot ni Greener Smithfield. Kaya napaling ang tingin ko rito, nag hihintay sa susunod na sasabihin nito.
"What? Hindi nga?" Gulat na tanong ni Nivek.
"Nasa Sta. Monica, Puerto Princesa City, Palawan ito nakatira. Sa bahay ng Tiyahin nitong si Miss. Lily Vellarama. Kasama, ang girlfriend nitong si Cherybie Allidap at mga pinsan nitong si Kram Raner Vellarama at si Milekaj Vellarama. His name is Yuvie Vellarama kilala bilang Cod." Mahabang lintaya nitong sabi.
"Psh! Why he need to hide his son?" Wala sa sariling tanong ko.
"Maybe he has a plan?" Deritsang sagot naman ni Jhys.
"Hindi n'ya itatago ang anak nito, kung walang rason. Hindi kaya ito ang ipapalit n'ya sa kanya?" Anang ni Jhys na s'yang nasa isip ko rin.
"Baka nga!" Ani ni Nivek.
"Maybe" Sigunda naman ni Eiderl Jhys.
Sagot ng dalawa, habang ako umiikot sa isipan ko ang bagay na dapat ko ng gawin. Isa ang Vellarama sa katunggali ng organization namin. Matinik silang kalaban hindi sila basta-bastang tao't Mafias. Sa mundo ng business mas lamang kami sa kanila, ngunit sa underworld hindi sila basta tao lang. Isa sila sa kinakatakutan at hinahangaan ng lahat. Ngunit isang araw bigla na lamang silang nawala ng parang isang bula. No one can find them even the skill person. Hindi sila mahanap, hanggang sa balitang 'to.
How come, they will showed up again? Pagkatapos ng ilang taong pagkakawala? Pinagpipilian pa rin sa underworld kung sino ang s'yang magiging Hari na ipapalit sa matagal ng hari na si Codie. Kung kaya ba ito bumalik ngayon para makuha muli ang trono? I can let them in again, gagawin ko ang lahat mabura lang silang muli.
"Greener, book a ticket now we need to go to Palawan. ASAP!" Ma-autoridad kung utos rito.
"We pack our things then?" Ngising sagot naman ni Nivek, tinunguan ko lang ito na s'yang sagot. Alam na nila ang dapat nilang gagawin.
Umalis na rin ako sa kwartong yun, para mag-ayos ng aking gamit na dadalhin. Bago ko tinawagan ang isa kung kakilala roon, sinagot n'ya naman agad ito. He is Rizen Zhang.
"Hey bro, whats up! Napatawag ka?" Ani nito sa kabilang linya.
"We want to go there." Walang paligoy-ligoy kung sagot.
"Ohh! Meron ba dapat akong malaman?" Nagugulohan nitong tanong.
"Sasabihin ko kapag nand'yan na kami." At binaba ko na ang tawag, sabay text ko sa tatlo.
"3am at the airport tomorrow."