bc

THE LAST PUREBLOOD VAMPIRE

book_age16+
293
FOLLOW
1.3K
READ
revenge
forbidden
fated
arranged marriage
goodgirl
dare to love and hate
tragedy
bxg
betrayal
virgin
like
intro-logo
Blurb

THE LAST PUREBLOOD VAMPIRE

Isinumpa ng lola ni Moonshine ang pamilya ng Pureblood Vampire na si Drifher Draven. Dahil sa sumpa, lahat ng kapatid ni Drifher ay namatay na.

Pero hindi hahayaan ni Drifher na mangyari sa kanya ang nangyari sa mga kapatid lalo pa at siya na lang ang huling Pureblood.

Nagsimula si Drifher na lapitan si Moonshine. Kailangan niya itong patayin ng birhen ito bago ang ikadalawampu’t isang taon niya dahil kung hindi ay matutulad siya sa mga kapatid na namatay sa ganoong edad.

Pero sa huli sino nga ba ang matimbang? Ang sarili niyang buhay at ang pagiging natitira sa lahi ng mga Pureblood Vampire o ang babaeng nagmamahal sa kanya at handang magbuwis ng buhay manatili lang siyang buhay?

MisaCrayola

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE   Pilit binibitbit nag isang nakaitim na kasuotang babae ang maliit kamay ng batang lalaki na titig na titig sa makulimlim at papaulan na kalangitan. “Halika na Young Master Drifher,”punung-puno ng kalungkutan ang mga mata nito, wari ba’y pinipigil ang mga mapapait na luhang nais kumawala sa mga mata. Sinulyapan nitong muli ang libingan ng kapatid. Sa mga mata niya mababakas ang kapaitan sa dinanas ng pamilya ng dahil lamang sa isang sumpa. Ito ang huling kapatid niya na namatay sa sumpa at siya na ang susunod. Isang mangkukulam ang sumumpa sa kanila na dating kasintahan ng ama. Dahil sa pagtataksil ng kanilang ama sa naturang babae, isinumpa silang magkakapatid na mamamatay sa edad na dalawampu’t isa. Silang mga Pureblood Vampire ay nagiging imortal na nilalang sa pagsapit ng ganoong gulang, kaya marahil bago pa sila maging imortal pinili ng mangkukulam na patayin sila na siguro ngayon ay tuwang-tuwa sa pagwawagi nitong isa-isahing patayin silang magkakapatid. Hindi mangyayari sa akin ang ginawa niya sa mga kapatid ko. Itinatak niya sa isipan na gaganti siya sa lahat ng kasalanang ginawa ni Famana, ang mangkukulam na sumumpa sakanilang magkakapatid. Tatlo sa mga kapatid niya ang namatay na. Siya na lamang ang natitira at nag-iisang natitirang pureblood. Dahil lahat ng nasa paligid niyang mga bampira ngayon ay mabababa ang uri at walang imortal na buhay katulad niya. Higit na mahaba lamang ang mga buhay ng mga ito sa pangkaraniwang tao –tumatagal ang mga tulad nito doble o triple sa buhay na kayang ipananatili ng tao sa mundo. Kailangan mapatay nila sa ika-21 taong gulang nila ang babaeng anak nito na  isang birhen. Dahil nga sa hindi na birhen ang nag iisang anak ni Famana kailangan pa nilang maghintay ng apo nitong babae. Dapat lang na mapatay niya ang apo nito sa takdang araw, dahil kung hindi, sa ganito lang matatapos ang kanilang lahi. Siya na lamang ang natitira ang natitirang pag-asa. Walong taong gulang pa lamang siya. Kailangan mapatay niya ang babae sa ika-labing walong taong gulang nito at mapagtatagumpayan niya lamang iyon kung birhen pa ‘to sa ganoong edad. May pag-asa pa siya para magpatuloy ng kanilang lahi dahil babae ang apo ni Famana na ngayon ay nasa edad anim ang natitira niyang pag-asa. Nagpatianod na lamang si Drifher sa humihila sa kanya ang kanilang tagapag-alagang magkakapatid. Isa itong level C na bampira at alam nito ang sikreto ng kanilang pamilya. Wala silang ina dahil bigla na lamang itong naglaho na parang bula noong tatlong taong gulang siya at wala siyang amor sa ina na natiis silang magkakapatid na iwanan sa kabila nang pinagdaraanan. Sa isipan ni Drifher ay nakatanim ang kagustuhan nitong makapag higanti. Sunod-sunod na sakit ang naramdaman niya tuwing namamatayan ng kapatid. Preparado na ang mga ito sa kani-kanilang kamatayan. Lahat ito ay sa kanya umaasa na hindi niya hahayaang sa sumpa lang ng mangkukulam magwawakas ang kanilang lahi. Sila ang tanging pamilya ng pureblood  na nabubuhay at kung mamamatay siya magiging isa na lamang silang alamat sa paglipas ng mga panahon. “Young Master Drifher,“ bulong ng papasalubong sa kanilang batang babae na kaedad lamang ni Drifher. May bitbit pa itong isang magandang manika na may katulad na mata ni Drifher na Emerald Green. Tinignan lamang ito ni Drifher at nilampasan. “Mama,“ tawag naman ng batang babae sa kanina'y humihila sa batang si Drifher na kasunod sa likuran ng batang lalaki. “Pandora, huwag na huwag mo siyang iiwanan.” Usal ng kanyang ina. Nakatitig sila sa papalayong si Drifher, marahil gusto nitong mapag-isa. Napakabata pa nito para tanggapin ang kapalaran ng mga kapatid at maging nang sarili. “Nasisiguro kong mapagtatagumpayan niya ito Pandora.” Malakas ang paniniwala ng ina ni Pandora. Tumango si Pandora habang sinundan si Drifher ng tingin. Siya ang magiging asawa nang huling Pureblood.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

My Secret Agent's Mate

read
117.9K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
344.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
974.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
187.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.5K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook