Chapter 12. Paalis na si Bella para ihatid sina nanay Fely at Ellie sa Maynila .
Nay sa susunod na pasukan lilipat na kayo ni Ellie dito ayaw ko ng mapalayo sa inyo.
Hay tong batang to talaga sige ikaw ang bahala.
Ate...kelan ka ulit uuwi sa atin?malungkot na tanong ni Ellie.
Huwag kang mag-alala sa bakasyon pupuntahan ko kayo at susunduin ko na kayo ayos ba yon?kaya huwag ka ng malungkot.
Tumango ito. Tayo na...pinasakay na niya ang dalawa at tinungo na niya ang driver seat ng may pumigil sa kamay niya.
Natameme siya ng makita ang binata sa harapan.Halos isang linggong hindi ito nagpakita sa kanya.Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa.
Niyakap siya nito ng mahigpit na parang kay tagal nilang hindi nagkita.
Pasensya ka na...ngayon lang ako nakabalik...bulong nito. Bumilis ang t***k ng kanyang puso habang nakayakap ito sa kanya.Hindi na talaga normal ang t***k nito at ang lalaki ang dahilan.
Bumitaw ito sa kanya at lumapit kay nanay Fely at nagmano.
Kaawan ka ng Diyos hijo. Sunod ay kay Ellie.Hinaplos nito ang pisngi ng bata.
Pasensya ka na Ellie ngayon lang si kuya.Medyo marami kasi akong inaasikaso wika nito sa bata.Ngumiti ito sa kanya.
Ok lang po kuya.
Pangako babawi ako sa susunod..
Promise yan kuya ha?
Oo naman.Tahimik siyang nakamasid sa mga ito.
Ang sabihin mo busy ka sa panliligaw inis na bulong niya. Lumingon ito sa kanya.
Sasama ako sa paghatid sa kanila. Walang imik siyang pumasok sa loob pati na rin ito.
Tahimik silang dalawa habang nasa biyahe hanggang makarating ng siyudad.Dumaan sila sa isang Mall para doon na mananghalian at binilhan pa nito ng takehome sina nanay Fely at Ellie.
Nag-abala ka pa Gabrielle nahihiyang sabi ni nay Fely.
Maliit na bagay lang po sagot ng binata.
Agad silang nagpaalam ng makarating sa kanilang bahay.Kailangan nilang makauwi at baka gabihin sila sa daan.
Niyakap niya ng mahigpit si nanay Fely at Ellie nagpaalam din ng maayos ang binata saka sumakay sa kotse niya. Tahimik pa rin silang dalawa.Hindi ito nakatiis at binasag ang katahimikan. Galit ka ba?seryosong tanong nito.Lumingon siya rito at umismid.
Bakit naman ako magagalit sa'yo anong karapatan ko?walang ganang sagot niya. P-pasensya ka na naging abala ako nitong nakaraan...
Alam ko...busy ka rin sa girlfriend mo wala sa loob na sabi niya.
Girlfriend?takang tanong nito.
Hininto niya sa gilid ang sasakyan at tumingin dito.
Oo di ba may girlfriend ka na?Nakita ko kayo sa Mall masayang masaya ka nga eh o?mataray niyang sabi .
Si Annie ba?nagpasama lang siyang bumili ng takeout foods para sa mama niya.
Kasama ko siya sa training ko.Huwag mong sabihing....nagseselos, naninibugho ka ba binibini?tanong nito. At bakit naman ako magseselos ano ba kita?Wala namang tayo?ano ka hello?taas kilay niyang tanong dito.
Masyado lang akong naging abala ..patawarin mo na ako...
Bumuntonghininga ang dalaga.
Wala kang dapat ihingi ng tawad kasi hindi naman tayo magkaano-ano in the first place.Gawin mo ang gusto mo buhay mo yan.
Napailing si Bella at inistart ulit ang makina.
Napalingon ito ng pigilan niya ang kamay nito.Wala sa loob na kinabig niya ang batok ng dalaga at inabot ang malambot nitong mga labi.
Oo ilang araw siyang nawala at hindi nagpakita dito.Iba na kasi ang nararamdaman niya para sa dalaga.Pilit siyang lumalayo rito pero habang ginagawa iyon ay lalo siyang nangungulila dito .
His kiss became more intense and he wants his tongue to open her mouth.Naramdaman niya ang kusang pagtugon nito sa kanyang halik.She give access and open her mouth for him. Nakakaramdam na siya ng init at alam niya kung ano ito.
His kiss is rough and wild.He wants more not just only kiss pero kailangan niyang kontrolin ang hormones niya dahil kung hindi baka kung saan sila mapunta.
Kinagat niya ang ibabang labi ng dalaga bago niya ito tinigilan.Tulala pa rin ito kaya pinitik niya ito sa noo.
Aray!angal nito.Hinaplos niya ang pisngi nito.
Me estas haciendo mi amor....he whispered at hindi inaalis ang titig dito.Pinisil niya ang ilong nito.
Hmmmp!tinampal nito ang kamay niya.
Palit tayo ako ng magmamaneho sabi niya.Meyo pagod na rin ang dalaga kaya lumipat siya at nagmaneho.
I want to buy a new car....I want you to come with me...napalingon siya rito.
Amazing you learn to speak English properly she said.
Yes. thanks to you and Harvey.I've change a lot he said.Nilingon niya ito.
Sa bahay ka magpalipas ng gabi sabi niya rito.Bigla itong napaubo at hawak ang dibdib nito.
B-bakit ayos ka lang ba?
Oo o-ok lang sagot nito.Gusto ko nasa tabi ka lang kita.Doon ka na ulit please?pakiusap niya.
Tumango na lamang ito. Hay...bakit ba napagreen-minded mo Bella?inis na sinabunutan niya ang sarili.
Mabilis lumipas ang araw ilang buwan na lang at magbabakasyon na ulit. Bella....!humahangos na tawag ni Hazel kasalukuyan siyang nagdadampot ng mga gamit.Kakatapos lang ng kanyang klase. Naku .....nandiyan si Alfred....
Ha?bakit daw?
Eh ano pa mukhang susunduin ka...kinikilig nitong sabi.Umismid siya.Sa dami ng babae nito ayaw niyang mapabilang sa napaiyak nito.
Lumabas sila at nakita itong kausap si Mr.Abad ang headteacher ng paaralan. Bella nandiyan ka na pala...Kanina ka pa hinihintay ni Mr.Ravales.Tinapik nito ang balikat ng binata at nagpaalam.
Tagal mong nawala ah....san ka nambabae este nagbakasyon?tanong niya.
Ah eh.....napakamot ito ng ulo at saka inabot ang flowers and chocolates.O pano Bella ,Alfred mauna na ako paalam ni Hazel.
Bye Hazel wika ni Alfred kumaway ang kaibigan niya.
Thank you sa paflowers and chocolates....anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito....este?napadaan ka... Alam niyang galing ito sa ibang bansa at sigurado siyang babae ang kasama nito.
Kung sinagot mo na kasi ako di hindi na ako mambabae pabirong sabi nito.
Hmmmp!aray....!lupit mo talaga Bella....hawak nito ang tiyan na siniko niya.
Ano ba kasing kailangan mo?tanong niya.
Wala gusto lang kitang makasama.
Mukha mo ....saka ka lang pupunta dito kung wala kang kalandian ....
Ito naman...
O bakit hindi ba totoo?inis siya sa lalaki pero mabait naman ito kaya pinakikisamahan na lang niya pero hanggang doon na lang yon.Niyaya siya nitong kumain sa labas at pinaunlakan naman niya.Iniwan niya ang kotse at babalikan na lang kinabukasan sa school.Hindi niya tuloy namalayan ang oras.
Kanina pa pabalik-balik si Gabrielle sa verranda balisa siya pasado alas otso na ng gabi at wala pa si Bella.Baka daw maraming tinapos sa school sabi ni Harvey.
Hay....kainis!hindi man lang niya makuhang sagutin ang telepono niya ano bang suliranin meron ang babaing yon?!bulong niya habang palakad-lakad.
Kanina pa ring ng ring ang phone nito.Pumasok si Harvey at inabutan siya ng isang basong alak.
Pampakalma....sabi nito at nangingiting pinagmamasdan siya.Nilagok niya ang laman ng baso.
Sa di kalayuan ay nagmamanman ang tsismosong si Andoy.Kinuhanan ng larawan ang binatang palakad-lakad sa veranda ng mga de Cordova.
Hay....walang duda siya talaga yon eh...!napapadyak siya ng blurd ulit ang kuha ng camera niya.
Kaya walang naniniwala sakin dahil sayo!hay....kausap niya sa lumang cellphone.Pambihira wala kasi akong pambili ng bago eh....Ilang araw na siyang nagmamasid sa bahay at ilang beses na niyang nakita ng malapitan ang mukha nito.Walang duda ito nga si Gabrielle.