Chapter 11. Isinama nila sila nanay Fely at Ellie sa sta Ynez para doon magbagong taon.Pagkatapos ng bagong taon ay namasyal sila sa bayan at para bumili na rin ng mga gulay na iuuwi nila sa Maynila.
Kanina ay tumawag ang binata. Medyo nakaadjust na ito at marunong ng gumamit ng cellphone.
Hindi niya maaring sabihin sa matanda kung saan ito nakatira hindi pa sa ngayon.
Gusto na niyang pabalikin ang matanda at si Ellie dito.Sunod na pasukan ay dito na sila titira.
Ano kayang ginagawa ng lalaking yon ngayon? Nagpaalam siya bandang hapon kay nanay Fely na may pupuntahan saglit.
Titignan niya ang binata.Noong bagong taon sila huling nagkasama.Namimiss na niyang asarin ito.Iyon nga lang ba?tanong ng isip niya.
Anong bang nangyayari sa'kin?bulong niya habang nagmamaneho.Hindi imposible eh ...hay!napakabata pa niya para...!wag na nga.
Nakarating siya sa bahay ng mga de Cordova at naabutan si Harvey.Bella Ikaw pala. ..pasok ka.
Salamat...si Gabrielle....nandito ba siya? Ah wala eh..nasa session niya.
Session?tanong niya rito.
Di ba nga nag-aaral siya ng martial arts?pangdepensa daw sa sarili niya.
Oo nga pala..
Miss mo na siya no?
Hindi no?!napadaan lang ako huwag kang assuming.
Napakadefensive mo naman haha. Tsssk...!mabuti pa puntahan mo na lang at ibinigay nito sa kanya ang address. Hindi na....babalik na lang ako.
Hoy sandali kainin mo muna tong hinanda ko. Tumingin siya sa cake at nilantakan ito saka uminom ng juice.
Thank you alis na ako.
Sige ingat sagot nito. Nagpasya siyang puntahan si Hazel at yayain sa bayan sa pinakamalapit na mall.
Biglaan ka naman bruha ka pasalamat ka wala kaming lakad ni Zack nagmamadali itong sumakay sa kotse niya.
Wala lang gusto ko lang lumabas bored ako eh.....
Teka bat ganyan ang itsura mo?para kang naluging intsik?
Hindi ah...basta gusto ko lang magliwaliw..Bella....
Ikaw ba..inlove ka ba?
Aaay!ano ka ba?!muntikang sumubsob ang bruhang kaibigan ng bigla siyang magpreno.
Ano bang pinagsasabi mo diyan?!kanino naman ako maiinlove ha?!
Don sa guwapong batang yon?
Ayoko sa mas bata sa'kin no?!bigla siyang napatakip sa bibig ano bang sinasabi niya.
Hala te?!Hindi ka nga inlove sa lagay na yan?!sino ba ang lalaking yon at ng makilatis ko? tanong ni Hazel.
Isa pa ..walang bata at matandang when it comes to love.Patuloy pa nito.Teka ilang taon na ba siya?
Twenty one...
Aruuuy bata nga!hmmmp!aray!kasasabi mo lang eh!isa pa sabi ko nga sa'yo wala akong gusto sa kanya no siya siniswerte?inayos niya ang sarili at muling binuhay ang sasakyan. Hoy.....sino ba kasi yon?dali na sabihin mo na!
Magugulat ka pag nakita mo siya. Guwapo ba?tanong nito?
Sakto lang...sakto?Naguguluhan ito.
Naku kung sinagot mo na lang kasi si Alfred di may inspiration ka na?tukoy nito pamangkin ng isang konsehal sa bayan.
May sinabi ang pamilya nito at isa itong engineer pero wala siyang maramdamang spark sa lalaki tulad ng nararamdaman niya kay Gabrielle.
Hay...!hindiiii!
Bumunghalit ng tawa si Hazel sa naging reaksiyon niya.
Nasa food court sila ngayon at nagmemeryenda ng mamataan ang lalaking hinahanap at laman ng isip.May kasama itong magandang babae na sa tingin niya ay kaedad nito o mas bata ito sa lalaki.
Sinundan ni Hazel ang tinitignan niya.
Oh!siya ba freny?y-y-yong lalaking sinasabi mo?OMG!saksakan naman pala ng guwapo at s*x appeal no wonder bakit nahulog ka na sa kanya?!
Tse!sinabi ng hindi di ba?! ayoko sa totoy!pero sino yong kasama niya?
Baka girlfriend niya sa itsura niya imposibleng walang magkakandarapang babae diyan..tignan mo nga para ng linta kung makakapit hay....kaya pala hindi mo na ako maalalang lalaki ka abala ka na palang makipaglandian hmmmp!
Umorder ang mga ito at pumuwesto malapit sa pinto.Mabuti at nakatalikod siya sa mga ito.
Napainom siya bigla ng tubig at tumayo. Halika na busog na ako aya niya kay Hazel.
Ha?halos kakaupo pa lang natin ah?reklamo ng kaibigan.
Lumipat tayo hindi masarap ang dessert dito.Tumayo na siya at sumunod ang kaibigan.
Freny pamilyar yong lalaking yon sa kin. Yong kinababaliwan mo....basta nakita ko na siya eh di ko lang maalala. Tinignan niya ito ng masama.
Sabi ko nga hindi mo siya gusto bigla nitong tinakpan ang bibig.
Kitang-kita niya kung paano hagupitin ng latigo ang isang katutubo dahil sa ayaw nitong ibigay ang kakarampot na gulay na inani nito na pagkain sana sa hapag ng kanyang pamilya. Desagradecido!(walang utang na loob!)sabay hagupit sa lalaki.Walang magawa ang asawa at mga anak nito kundi tumangis.
Nagtagis ang kanyang bagang sa nasasaksihan.Nais niyang tulungan ang lalaki subalit nagtimpi siya at baka mas lalong mapahamak ang mga ito.
Maawa po kayo..pakiusap...ahhh!muli itong hinagupit ng latigo bago iniwan ang mga ito.
Agad dinaluhan ito ng asawa at mga anak ng makaalis ang mga pangahas na dayuhan ay lumabas siya sa pinagkukukblihan.Nagulat ang mga ito sa bigla niyang paglitaw.
Maawa po kayo!ibibigay po namin lahat ng aming ani huwag niyo lang pong sasaktan ang aking asawa!
Hindi ako isang kaaway...iuwi mo na ang iyong asawa sa inyong dampa.Pangako babalik ako...
Marami pong salamat umiiyak na sabi ng ginang. Ganito pala ang kalupitang sinasapit ng kanyang mga kababayan.
Hindi niya nasaksihan ang ganitong mga pasakit sapagkat siya ay nanatili at lumaki sa Englatera.
Maliksi siyang nagtungo sa kanilang tahanan.Pumasok siya sa lihim na silid kasama si Theodoro.
S-senyorito...ano po ang mga ito?tanong nito sa mga makabagong kagamitang nagmula sa modernong mundo. Malalakas na kalibre ng mga baril at pampasabog.
Theodoro....hindi lang para sa akin ang gagawin kong ito kundi para sa mga kababayan natin.Nasaksihan ko ang mga kalupitang dinaranas ng mga maliliit sa kamay ng mga mapang-abusong dayuhan..panahon na para wakasan ang kanilang kapalaluan! S-senyorito....maghunos dili po kayo pag-isipan po ninyo ang inyong gagawin.
Nakapagdesisyon na ako.... Binalikan niya ang lalaki sa kanilang tahanan dala ang tinatawag na pang-unang lunas upang gamutin ang lalaki. G-ginoo...kakaiba ang uri ng inyong panggagamot.Saang dayuhang bayan po kayo nagmula? tanong ng babae.
Huwag niyo na pong isipin yan ginang.Ang mahalaga nagamot ang kanyang mga sugat.Tapos na siyang bendahan ang sugat nito.
Isa lang po ang aking kahilingan huwag niyo po itong babanggitin sa iba. Makakaasa po kayo ginoo at maraming salamat.Tumango siya at nagpaalam na sa mga ito.
Ang mga indiyong yan kaydadaling takutin!tawanan ang mga lapastangan. Debiles(weak ones) kasalukuyang nagkakasayahan ang mga ito. Ng malasing ang mga ito at saka niya isinakatuparan ang balak. Kinabukasan ay laman ng balita ang nangyari sa ilang guwardiya sibil kung saan laslas ang mga leeg ng ilan sa mga ito.
Mga inutil!Hanggang ngayon hindi niyo pa rin mahuli huli ang dayuhang iyon?!marami na siyang napapatay at pag di kayo kikilos iisa-isahin niya tayo!Hala hanapin niyo ang ombreng iyon!galit na sigaw ni Marco Andrade Y Agoncillo ang gobernador-cillo. Kumalma ka mi amigo kampateng sagot ni Facundo Legazpi Y Silva.Paano ako matatahimik?Kapag nakarating ang mga kalokohang ginagawa natin sa bayang ito sa hari ng Espanya tapos na tayong lahat!
Umupo siya at ligalig ang kalooban.Sino ang misteryosong lalaki na bigla na lamang lumitaw mula sa kawalan?At ano ang pakay nito sa kanila?puno ng katanungan ang isip ng dayuhan.