She miss him

1036 Words
Chapter 10 Pagmulat niya ng mga mata nasa pampublikong lugar na siya.Hindi niya mawari kung bakit siya muling nakabalik sa panahon. Ayos ka lang ba ginoo?tanong ng isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa kuwarenta ang edad.Ayos naman po ako.. Tumayo siya at inabot ang tubig na bigay nito. Gracias...pasasalamat niya rito. Wala pong anuman...Kakaiba ang iyong kasuotan.Marahil ay isa kayong banyaga...puna nito sa kanya. Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon. Matao ang paligid. Kailangan niyang magmadali dahil baka may makakilala sa kanya. Mabuti pa humayo ka na alam mo bang pinaghahanap ang isang katulad mong banyaga dahil sa pagpatay nito sa dalawang guwardiya?umalis ka na rito babala nito. Tumango siya.Maraming salamat sagot niya at nagsimulang maglakad. Tu!(ikaw!) quien eres?(who are you?) Lumingon siya sa mga ito.Dalawang guwardiya ang nasa likuran niya.Mabuti at nasa tagong lugar sila. Mabilis siyang nakipagbuno sa mga ito. Nagagamit niya ang depensang pinag-aaralan sa makabagong mundo. Bumagsak ang isa ng sipain niya ito sa mukha.Ang isa naman ay hawak niya ngayon sa leeg habang sinasakal. Ng masigurong hindi na ito humihinga ay saka niya ito binitiwan. Agad siyang tumakbo para umalis sa lugar na iyon. Nakarating siya sa kanilang tahanan. S-senyorito?!ano't naririrto kayong muli?! mabilis na binuksan ni Theodoro ang pinto at pinapasok siya.Sinabi ko na po sa inyong mamuhay kayo ng tahimik sa inyong kinaroroonan subalit bakit po kayo nagbalik?mapanganib po para sa inyo. Marami ang naghahanap sa inyo.... Huwag kang mag-alala kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.Napatingin ito sa kanya. Natutunan ko kung paano lumaban at depensahan ang sarili ko sa makabagong mundo.Wala kang dapat ipag-alala. Mabuti naman po kung ganon.Ang batang nagmula sa yong angkan ang tumulong sa akin, naroon siya at kasama ko kaya maayos ako sabi niya. Tinapik niya ang balikat nito at nagsimulang pumunta sa kanyang silid. Nakita niya ang sariling repleksiyon sa salamin.Ibang-iba na ang wangis niya at kasuotan sa ilang linggong pananatili sa makabagong mundo at unti-unti na siyang nakakasabay kahit paano. Nakasuot siya ng hoodie jacket at pantalong kakaiba dahil may punit ito sa bandang mga tuhod.Ang sapatos niya kakaiba rin ang sabi rubber shoes daw ito sabi ni Bella. Bigla niya itong naalala. Siguradong hinahanap na siya nito. Tumingin uli siya sa salamin.Bakit ang lakas ng kabog sa dibdib niya pag naalala ito.Tila yata nahuhulog na ang loob niya sa dalaga. Pero hindi maaari.Nagmula ito sa angkan ng taong naging sanhi ng kanilang kabiguan.Kumuyom ang kanyang mga kamao at nagtatagis ang mga bagang ng maalala ang nanyari sa kanyang familia. Iisa-isahin niya ang mga taong nagpahirap sa kanya lalo na ang Legazping yon sisiguruhin niyang mamamatay ito sa mga kamay niya. Senyorito!madali kayo!may mga guwardiyang paparating!umalis na kayo dali!Imbes na umalis ay kinuha niya ang baril sa loob ng aparador. S-senyorito...Dumito ka sa loob....ako na ang lalabas. P-pero senyorito mapanganib... Huwag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko.. Napailing na lang ang katiwala. Ibang-iba na ang batang malumanay noon at naging isa na itong mabangis at mabagsik na hayop.Hindi naman niya ito masisisi.Sa napakarahas nga namang naranasan nito lalo na ang nasaksihang kamatayan ng pamilya nito ay talagang magiiba ito ng katauhan. Natanaw niya ang apat na guwardiyang paparating .Inihanda niya ang baril at pinaputukan ang apat na paparating.Bumulagta ang apat na guwardiya sa tarangkahan ng kanilang tahanan. Pagkatapos ay lumabas siya sa pinagtataguan.Bumalik siya sa loob na parang walang nangyari. Iutos mo sa mga tauhan na itapon sa ilog ang mga katawan nila. Masusunod po senyorito.Agad na tumalima si Theodoro. Pumasok siya sa kanyang silid at agad naghugas ng mga kamay. Muli niyang tinitigan ang repleksiyon sa salamin.Wala na siyang ipinagkaiba sa mga mananakop na kumikitil ng buhay.Nanginginig ang kanyang mga palad habang pinagmamasdan ito. Ika-24 ng dsyembre bisperas ng pasko,napabuntonghininga siya. Nasan nanaman siya....sana ok siya doon. Idinahilan na lamang niya kila nanay Fely at Ellie na nagkaemergency ang binata kaya bigla itong umuwi. Ilang oras na lang magpapasko na.Tapos na rin silang magluto ng handa. Gigisingin na lamang niya ang mga ito mamaya. Hay....hello?halos tatlong linggo ko pa lang siyang kilala tapos ano?iisipin ko na siya?sino ba siya?!Isa pa ayoko sa bata!napakabata pa niya para magustuhan ko...Hmmmmn para siyang tangang sinabunutan ang sarili. Maligayang pasko....Patda siya sa kinatatayuan ng marinig ang pamilyar na tinig.Agad siyang lumingon at nakita ang lalaking gumugulo sa kanyang isipan.May dala itong box ng cake at mga paperbag sa isang kamay. N-nandiyan ka na pala...akala ko doon ka na magpapasko....tinakbo niya ang distansiya sa pagitan nilang dalawa at niyakap ito ng mahigpit.Ngumiti ang binata. Nagulat naman siya sa ginawa.Sorry na carried away ko.... Tara na sa loob?tanong ni Gabrielle.O-oo.... Si nanay Fely at Ellie?tanong nito.Nasa kwarto gigisingin ko na lang silang mamaya sagot niya at kinuha ang cake na dala nito. Ano yang mga dala mo?Hmmmm mga simpleng handog para sa inyo... Huh?para samin ba yan?nag-abala ka pa.... Wala yon,maliit na bagay lang to. Bago mag-alas dose ay ginising na niya sina nanay Fely at Ellie.Natuwa ang mga ito ng makita ang binata. Kuya Gabrielle!tumakbo dito si Ellie at niyakap ito.Namiss po kita. Yumuko ang binata para magpantay sila nito at ginulo ang buhok. Talaga?tanong nito.Opo lalo na po si ate Bella.Malungkot po siya noong umalis ka. Ellie!hehe ano bang pinagsasabi mong bata ka...naku ikaw. Totoo naman po hirit pa rin nito. Ssssh Ellie huwag mo namang ibuking si ate hay naku.... O tayo na sa kusina yaya ni nanay Fely.Medyo maingay na rin sa labas dahil sa mga paputok at torotot. Masaya nilang ipinagdiwang ang kapaskuhan ng magkakasama. Ganito pala kayo magdiwang ng kapaskuhan may pagkakahalintulad sa panahon namin pero masaya dito sa inyo pahayag nito. Oo naman lalo na kung kapiling mo ang buong pamilya at mga mahal sa buhay wika niya.Kasalukuyan silang nasa labas. Biglang lumungkot ang mata ng binata sa sinabi ni Bella. P-pasensya ka na...hindi ko sinasadya. Ayos lang.. Huwag mong isiping nag-iisa ka na lang sa mundo.Ako nga matagal na ring patay ang mga magulang ko.Kung hindi dahil kay Ellie at nanay Fely nag-iisa na rin ako ngayon. Lumingon siya sa dalaga. Pero wala akong magagawa kundi magpatuloy sa buhay. Alam ko namang darating din ang panahon na magkakasama rin kami.Kaya ikaw huwag kang malulungkot at magtatanim ng galit sa puso mo. Walang magandang maidudulot ang paghihiganti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD