Chapter9. Ikaw...!turo niya sa binata habang nasa labas sila at nagpapahangin.Tumingin ito sa kanya.Namula naman ang pisngi niya ng maalala ang ginawa nito kanina
B-bakit?anong meron?
Kunwari ka pang may pagkamaginoo samantalang ninakawan mo ako ng halik taas kilay niyang asik dito.
Teka ikaw tong unang nagnakaw ng halik sa'kin.Nagsindi ka kasi ng apoy kaya natupok ako.
Sus!palusot mukha mo?!
Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sakin?Sabi mo normal na ang ganong mga bagay ngayon kaya wala akong nakikitang masama pilyong sabi nito.
Hoy di porke hinalikan kita at hinalikan mo ako may something na sa atin?hindi kita type no?nakangusong turan ni Bella. Kibit-balikat ito at tumanawa sa kalangitan.Nilingon ito ni Bella.
Napakapayapa at maaliwalas.
Hay .....napakaguwapo at ang sarap pang humalik.
Hindi niya namalayang nakapikit na ang mga mata niya at kinikilig habang nakangiti sa kawalan.Pagmulat niya ng mata mukha ni Gabrielle ang nakatunghay sa kanya.
Naku po!tinampal niya ito.Ano ka ba?!wag ka ngang nanggulat diyan papatayin mo ako sa nerbiyos.Pano para kang nawawala sa iyong sarili tila ba ikaw ay nababaliw na binibini?Ngingiti -ngiti ka diyan iniisip mo?
Wala ka na don!
Tsssk!napailing ang binata.
Tara na malamig na dito pumasok na tayo sa loob.
Tumayo na siya at pumasok sa loob sumunod na rin ito.Tulog na sina nanay Fely at Ellie.
Humiga na siya sa kama at sa lapag naman ang lalaki.
Sigurado ka bang ayos ka lang diyan?nag-aalalang tanong niya.
Oo naman sagot nito at humiga na at nagkumot.
Gabrielle....tawag niya sa binata. Hmmmm.....ano yon?sagot nito at naghikab na.
Ano ng plano mo ngayon?sa dami ng kayamanan mo magtatayo ka ba ng negosyo o ano?
Mahabang katahimikan bago ito sumagot.
Malawak ang tubuhan at mga lupang sakahan na pag-aari ng pamilya ko.Gusto kong mamuhay ng normal.Ayokong mamuhay sa karangyaan yon bang simple lang.
Napangiti ang dalaga sa naging sagot nito.
Iba kasi pag namuhay ka sa mundo ng mayayaman,yon bang tipo na nakukuha mo ang gusto mo tapos sikat ka,at maraming babae ang aaligid sayo parang ganon ba?
Tumagilid ito sa kanya at pinakatitigan siya.
Sawa na ako sa ganyang buhay.Maari ko namang gamitin ang kayamanan ko sa tahimik na paraan.Yong bubuo ako ng sarili kong pamilya at mamumuhay ng masaya.
Nakakapagod din ang mamuhay sa karangyaan. Halos isang buwan na tayong magkasama hindi ko pa alam ang edad mo..
Beinte uno na ako ngayon..
Hala!napakabata mo nga?!naku po nagkakasala ako bulong ng dalaga sa sarili.
Ano yon?tanong nito.
Wala sabi ko matulog na tayo!
Marami silang pinuntahan sa siyudad.Naglibot sila sa mga pasyalan at mga park.Ipinasyal nila si Ellie at tuwang-tuwa naman ang bata.
Si nanay Fely ay nanatili na lamang sa bahay dahil wika nito mapapagod lang ito sa kakalakad.
Gabrielle....masyado mo ng iniispoiled tong si Ellie mamaya masanay na siya. Wag mong isipin yon sagot nito habang nasa isang restaurant sila at kumakain.Pansin niya ang titig ng mga mata sa pwesto nila lalo na sa kasama niya.
Thank you po kuya Gabrielle sabi ni Ellie.Ginulo nito ang buhok ng bata.
Wala la yon basta para sa iyo.Kahit saan ata sila magpunta takaw-atensiyon ang kasama.
Parang ngayon lang nakakita ng magandang lalaki hay naku bulong niya habang kumakain.
May kalokohang pumasok sa isip niya iwan ba niya at naiinis siya sa mga babaeng nagpapacute dito.
Tumusok siya ng karne at inilapit sa bibig nito.
Honey...malambing niyang sabi dito.Say ahhh....
A-anong ginagawa mo?H-honey?nagtatakang tanong nito.
Sumunod ka na lang at kainin tong sinusubo ko sa'yo gigil na sabi dito. Ganon nga ang ginawa nito.
Masarap ba honey ko?tanong niya.
Mmm masarap nga.
Oy!ang sweet ni ate at kuya kinikilig si Ellie.
Sweet?tanong ni Gabrielle.
Wag mo na lang siyang pansinin saway niya rito.Kita niya ang pagtaas ng kilay ng mga babae. Napangisi naman siya.
Disyembre 23 dalawang araw bago magpasko ay namili sila ng mga lulutuin para sa disperas nito.
Napadaan sila sa tindahan ni aling Miling ang pinakadakilang tsismosa sa kanilang lugar.
Mayroong mga tambay na nag-iinuman at hinarang sila ni Banjo.
Bella isang tagay naman para sa kasama mo paanyaya nito.Nagsalin ito sa baso saka inabot sa binata.
Hoy Banjo isang tagay lang bata pa to ha?paalala niya rito
Ito namang si Bella di ka na nasanay samin wika nito.Ibinaba ni Gabrielle ang mga dala at kinuha ang alak sabay tungga.
Ibinalik nito ang baso kay Banjo.
Salamat tol.Pangalan mo pala...
Ako si Gabrielle.Ako naman si Banjo at nakipagkamay ito sa binata.Sila naman sila Ariel,Rix at Jade pakilala nito sa mga kasama.
Nakipagkamay ang mga ito.
Pano mauna na kami sa inyo wika ni Bella.
Salamat tol, alagaan mo si Bella namin ha huwag mong paiiyakin paalala nito.
H-hoy Banjo pinagsasabi mo diyan?hindi ko siya boyfriend no?estudyante ko siya naku ikaw...
Bella...iba ang sinasabi ng bibig sa mga titig niyo sa isa't-isa..napapaypay tuloy siya ng mukha sa pinagsasabi nito.
Oo nga Bella bagay kayong dalawa sabat ni aling Miling.
Naku aling Miling kilabutan nga kayo hay.... Sa totoo lang mababait naman ang mga tambay sa kanilang lugar.
Magdilang anghel sana kayo hay...bulong niya.Sige mauna na kami paalam niya sa mga ito.
Sige salamat sa oras sagot ng mga ito.
Magpahinga na kayo wika ni nanay Fely at tumayo na ito nasa sala sila at nagkwekwentuhan ng makaramdam na ito ng antok.Maiwan ko na kayo Bella,Gabrielle paalam nito.
Sige po nay sabay pa nilang sabi.
O bakit nakatitig ka diyan may dumi ba ako sa mukha?tanong niya rito.
W-wala lang gusto lang kitang pagmasdan...Hindi ko rin batid kung bakit.
Wow...pinagiisip mo ako lalaki.Mabuti pa tumayo ka na diyan at huhugasan ko lang ang mga tasa.Pumasok ka na sa kwarto.
Sabay na tayo.Tumayo ito at sinamahan siya sa kusina.
Malala na to...nagkakagusto na ba ako sa kanya..hindi!hindi pwede sigaw ng utak niya.
Ipinatong ng binata ang tray sa lababo at di sinasadyang nagkadaiti ang mga balat nila sa isa't-isa.
Nakatitig sila pareho at walang gustong bumasag sa katahimikan.Unti-unting umangat ang kamay nito sa kanyang mukha .
Hinahaplos nito ang pisngi niya.Bumaba sa gilid ng kanyang labi.
May tsokolate.Pinunasan nito ng daliri ang marka ng kinain niyang cake.Sa liit mong yan napakatakaw mo sambit nito.
Hehe huwag ka ng magreklamo kaligayahan ko ang pagkain.
Sige na mauna ka na sa kwarto susunod na ako taboy niya rito.Ngumiti ito at nagsimulang maglakad ng mapatigil ito.O bak______Gabrielle!B-Bella....nasaksihan niya ang unti-unti nitong paglalaho.Pilit nitong inaabot ang kamay niya ganoon din siya pero nilamon na ito sa kawalan at biglang naglaho.G-Gabrielle..