Chapter 6.
O....mga libro yan pag-aralan mo tungkol Yan sa makabagong panahon. Susmaryosep.Naihagis ng binata ang isang libro sa lamesa.Kunot ang noong tinignan ni Bella ang aklat.
Hay naku po....!bakit napasama ito sa mga nabitbit niya.Sa kapilyuhan niya ay nagbabasa siya ng mga men's magazines.
Hay Bella tanga mo talaga sabay sabunot sa buhok.
N-nagbabasa ng mahahalay na babasahin?tanong ng binata.
Hoy.!normal na yan sa panahon ngayon kahit saan ka magtungo sagot niya. Pag- aralan mo ang mga yan utos niya rito. Mamaya na yan kailangan nating magtungo sa lungsod para bumili ng mga gamit mo si Harvey.Kay Gabrielle.
Sumama ka sa amin Bella Yaya nito.
Ok! pagsang-ayon niya.
Nagpunta sila sa lungsod at doon bumili ng mga gamit ang binata.Pumasok sila sa isang Mall.Natatawa ang dalaga ng makitang Hindi sanay ang kasama sa lugar lalo na ang pagsakay ng escalator.
Gumagapang na hagdan ang tawag nito.Buti na lang gwapo ito sa suot na jeans at puting t shirt nagmukha itong nag-aaral sa kolehiyo.
Gwapo naman ng guy bulong nga mga dalagita oo ang cool hagikgik ng mga ito. Napangiti naman siya sa naririnig. Pumasok silang tatlo sa men's clothing.Sila ni Harvey ang pumili ng mga damit nito at lahat bumagay dito. Lalo na suot nitong puting longsleeve at slack pants na kulay itim at black leather shoes.
Bagay na bagay dito at mukhang modelo. Dito napagpasyahan ni Harvey na magtungo dahil walang masyado makakakita sa binata.
Bumili sila ng formal at rugged outfit para dito. Leather shoes at mga rubber shoes. Next stop sa bilihan ng cellphones.
Yong pinakalatest ang kinuha ni Harvey iphone 14 promax na ang presyo pang tatlong buwan atang sahod niya. Mayaman nga bulong niya. Bumili din sila ng laptop nito,relos at mga pabango. Pagkatapos mamili ay kumain muna sila sa isang restaurant.
Nagutom siya sa kalalakad. Masarap at kakaiba ang mga lutong pagkain dito wika ng binata.Nasa Filipino restaurant sila.Serve your own ang policy dito.Lahat ata ng klaseng ulam tinikman na niya.
Napangiwi ang binata.Avaro (matakaw) Hmmmp....!irap niya rito. Napatawa naman si Harvey.
Harvey anong sinasabi ng lalaki yan naku mabibigwasan ko yan bulong niya. Wala sabi niya kain ka lang ng kain pagsisinungaling nito.
Aba dapat lang pinagod niyo ako sa kakalakad kaya kailangan kong magrecharge daldal niyang habang ngumunguya.
Matapos kumain ay naglibot muna sila sa loob.
Kanina ko pa napapansin napakalamig ng temperatura sa gusaling ito?nagtatakang tanong nito.
Natural may aircon wala kasi yan sa panahon mo lolo sarkastikong sagot niya.
A-aircon? naguguluhan bulong ng binata.
Oo malalaman mo at matutunan lahat yan wag kang mag-alala.
Cute ng guy bulong ng mga babaeng dumaan at nakatingin sa binata.
Kung umasta parang ngayon lang nakakia ng guwapo.Haler nagkalat ang mga guwapong oppa sa south korea!
Dalawang linggo ng nag-aaral ang binata kasama si Bella at Harvey at aminado ang dalagang madali itong turuan. Marunong na itong gumamit ng gadget at iba pang makabagong kagamitan.
Sa hapon ay nasa driving school ito para mag-aral magmaneho at pagkatapos deretso ito sa pagsasanay ng martial arts. Nais nitong matuto sa pakikipaglaban at depensa.
Nagawan na ng paraan ang bagong pagkatao nito.
Kinagabihan ay tumawag siya kay nanay Fely at Ellie.
Hello nay....
O bella sagot nito sa kabilang linya.Ate ko miss na po kita sabat ni Ellie.Miss na rin kita bunso.Magkikita na tayo sa makalawa ok?uuwi si ate masayang balita niya dito.
Talaga ate?pasalubong po ha?tuwang sabi nito.Oo naman si ate pa?nay sa makalawa andiyan na ako baka may gusto kayong ipabili?tanong niya dito.Huwag na itong batang ito oo.
Makasama ka lang namin sa pasko masaya na kami wika nito.Basta bili na lang po ako ng pasalubong sabi niya.Nag-usap pa sila ng 30 minutes bago siya nagpaalam dito.
Aalis ka...?mula sa likod ay nilingon niya ang binata.Napangiti siya sa itsura nito. naka t-shirt ito ng navy blue at pambahay na short na kulay abo,simple ng suot pero super pogi pa ring tignan.
Humagikgik siya bagay na bagay.Nakatulala siyang nakatitig dito.Tinulak ng hintuturo nito ang noo niya.
Ayos ka lang?tulala ka ?pati pananalita nito ay unti-na ring nagbabago pati sa kilos. Kj nito..nagday dream ako pinutol mo kainis ka...!
Why?sinong nasa isip mo?ako?crush mo ba ako?nakangiting tanong nito.Hmmmmp?!masaya ka?!excuse me hindi kita type ayoko sa mga lolo na mukhang mas bata pang tignan kesa sakin!
Joke lang di ka mabiro..Aba ngayon ako nagsisising tinuruan pa kita bilis mong matuto ah?maala ka na kaysa sakin unfair ata non.
Ngumiti ito....hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.San ka pupunta?sa siyudad bakasyon naman sa school kaya uwi ako doon para magcelebrate ng pasko.
Pasko..naalala ng binata ang masasayang pagdiriwang ng pamilya sa araw ng kapaskuhan.Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya.Ayos ka lang?lalim ng iniisip mo?kasinglalim ng baha ng sa amin? Ah....wala naman may naalala lang ako.
Aalis ka....uuwi din si Harvey....may biglang lungkot na dumaan sa mata ng binata.Sumama ka sa'kin ....Tutal Wala ka namang kasama dito.Malungkot mag-isa sa kapaskuhan.
Ibig mong sabihin....oo isasama kita sa amin baka kako gusto mo lang.Kung ayaw mo ok lang. Sasama ako sa'yo.
Ngumiti ang dalaga hindi pala kita mamimiss kasi araw-araw kitang makakasama hihihi!
Saya mo?nakangiting sabi ng binata. Assuming ka....
Nasa silid na ang binata at kasalukuyang binabasa ang mga papeles at kasulatan ng kanilang mga ari-arian.Hanggang ngayon buhay pa ang mga lupain na tinatamnan ng mga tubo.
Ang kita ay nahahati sa tagapangasiwa at sa mga trabahador.Ang iba ay nagpupunta sa bangko. Mas lalong lumawak ang lupain na kanilang pag-aari kesa sa dati.Salamat sa tapat nilang katiwala si Theodoro Reyes at sa mga kaapu-apuhan nito. Pagkatapos basahin ang mga ito ay napako ang paningin niya sa lumang aklat ng kanilang pamilya.
Cuniculum temporis?Nagpalit siya ng pantalon at jacket saka isinuot ang sapatos.Tumingin siya sa salamin. Ibang-iba na ang itsura niya at halos hindi na niya makilala ang sarili.
Nagsuot siya ng mask at baseball cap at dinala ang aklat sa lihim na silid ng bahay nasa ilalim ng basement nito.
Naalala niya noong batang musmos pa lang siya kabilin-bilinan ng kanyang abuela na huwag paparito. Lagusan pala ito ng mga tulad niyang nabigyan ng kakayahan na maglakbay sa panahon.
Binuksan niya ang pinto at bumaba sa lihim na silid.Binuklat ang libro at inusal ang katagang nakasulat doon.CUNICULUM TEMPORIS,APERIRE CUNICULUM ET ABEAM IN MEA PRAETERITA!(lagusan ng panahon,buksan Ang lagusan at hayaan akong makapasok sa aking nakaraang Buhay) napaatras siya ng makita ang bughaw na liwanag.
Ang lagusan kung saan patungo sa kanyang nakaraan buhay.Nasilaw siya sa liwanag.Tila may pwersang humihigop sa kanya sa loob.
Unti-unti siyang naglaho kasabay ng bughaw na liwanag.