Mujer rara

1039 Words
Chapter 5. Kasalukuyang nakatanaw ang binata sa verranda ng kanilang malaking bahay at matamang nag-iisip.Nasabi na sa kanya ni Harvey ang mga dapat malaman pati ang pagpapatiwakal ng taong dahilan ng kamatayan ng mga magulang at lola. Hindi niya batid may isang pares ng mata ang nakakita sa kanya na mukhang magpapatunay ng mga tsismis at haka-haka sa bayan iyon. Makakaya ko bang mamuhay sa panahong ito....?tanong niya sa sarili.Isang makabagong mundo kung saan malaki ang ipinagkaiba sa kanyang kinagisnan. Anglalim ng iniisip natin....nilingon niya ang binibini sa likod. Hindi naman binibini....iniisip ko kung kaya ko bang mamuhay ng normal sa mundong kaiba sa aking pinagmulan.... Siya nga pala..ilang araw na tayong magkasama hindi ko pa rin batid ang iyong ngalan,maari ko bang malaman ang pangalan mo?tanong niya. Ako si Luna Isabella Jiminez. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pangalang binanggit nito.Hindi kaya ..sa isip ng binata...kung nagkataon ngang mula ito sa angkan ni Don Ronaldo ay mapalad siya. Ang kawawang mujer na ito ang makakaranas ng lupit ng paghihiganti niya.Dahil wala namang anak ang kasabwat nitong si Legazpi. Tawagin mo na lang akong Bella patuloy ng binibini.Bakit balak mo pa bang bumalik doon at harapin ang kamatayan mo ganon....?,tanong nito.Haaay.... Wag kang mag-alala...madali lang pag-aralan ang lahat. Bakit pala hindi ka pa natutulog sa silid mo...?tanong niya rito.... Hindi ako makatulog eh.....namamahay siguro ako... Hindi na sila pumayag ni Harvey na magmaneho ito pauwi....isa pa ito ang magtuturo sa kanya... Yon nga lang ba ang dahilan....lumingon siya rito habang nakatanaw sa kalangitan.Kung ito nga ay nagmula sa angkan ng traidor ay hindi maaaring magkaroon siya ng awa at lalong mahulog ang kanyang loob dito.Subalit aaminin niya nagagalak siya sa kakaibang ugali at kilos nito.Nilingon niya ito ,bahagyang nakatingi habang pinagmamasdan ang mga bituin at ang buwan. Isang makabagong babae na nabubuhay sa makabagong panahon.Hindi niya akalaing ang mga babae sa panahong ito ay independent at kaya ng makipagsabayan sa mga hombre. Meron na silang kalayaang magpasya at gumawa ng sariling kinabukasan. Malayong-malayo sa mga kababaihan sa kanyang panahon kung saan hinahasa lamang ang mga ito para maggantsilyo at maging mabuting maybahay sa kanyang mapapangasawa. O bakit ka nakatingin diyan....?nagagandahan ka sa akin no...?tahasang sabi nito. Napaubo naman siya sa sinabi nito. Ho...!sabi na wag kang mag-alala sanay na ako sa mga paghangang yan.... Tumaas ang kanyang kilay.....napakataas talaga ng tingin ng babaeng ito sa kanyang sarili. Naalala niya ang babaeng nakatakda sana niyang pakasalan...ang anak ni DonRonaldo Jiminez Y Tagle.Ang dalagang hindi man lang niya nakilala at nakadaupang-palad. Dahil sa nangyari ay hindi na niya ito nasilayan. Pagkatapos niyang pag-aralan ang kalakaran dito ay balak niyang bumalik sa mismong araw ng kanyang pagkawala at alamin ang mga nangyari.Bakit nagpakamatay ang Gobenardor-cillo at anong nangyari kay Don Ronaldo at sa pamilya nito. Maraming katanungan ngayon sa kanyang isip. Nais niyang siya ang kumitil sa buhay ng tampalasang dayuhang iyon. Hoy.....!Ayan ka nanaman lalim mo talagang mag-isip....tatanda ka niyan sige ka....!nakangising sabi ng dalaga. Natawa siya sa sinabi nito. Eres una mujer muy grosera(,napakagaspang mong babae) ...... Hala!tagalugin mo na lang ginoo...?!huwag kang magsalita ng wikang banyaga ok....?!hindi kita naiintindihan ok...? Hindi ako maaring magbitaw ng wikang kastila samantalang ikaw maaring magsalita sa wikang ingles?hindi naman patas yon binibini? Pero nakakaintindi ka hindi ba aking ginoo?! Kailangan pa kita binibini.Yon ang ibinubulong ng isip. O siya para wala kang masabi.Ok yan sabi ng dalaga. Bakit nagmamadali ka atang umuwi?tanong ni Hazel habang palabas ng faculty room... Ah kasi gusto ko ng makita yong poging mama...Este!may side line ako oo..... Weird mo ha?naalog na ba ang utak mo? bakit may bagong lipat ba sa tapat mo...?yong tipong hot and yummy? Hindi lang hot and yummy....delicious pa....ay ano ba yan!hindi no,?!pati tuloy ako nagagaya na sa maruming utak mo! hay naku...ano sabay ka ba?tanong niya rito. Hindi may lakad kami ni Zack .Ang boyfriend ng kaibigan. Ok una na ako paalam niya dito. Dumaan muna siya sa bayan dahil may gusto siyang bilhin ng marinig ang usap-usapan ng mga tsismosa at tsismoso. Kitang-kita ko talaga ang multo ni Senyorito Gabrielle....nakatanaw sa verranda ng bahay nila ito nga o at nakunan ko ng picture. Ano ka ba naman napakadilim ng kuha sigurado ka bang multo yan? ni hindi ko nga makita ang pagmumukha hay nako....fake news yan.. Sumiksik siya sa mga ito at nakita niya ang madilim na kuha ng binata sa picture buti na lang at medyo madilim kung hindi nayari na. Ano ba naman kayo...alam niyo namang may katiwalang naroroon di ba?malay niyo siya yang nakatayo diyan? multo ba ka niyo?nasa 20th century na tayo nagpapaniwala kayo sa mga ganyang kababalaghan?aruuuy.... Nakagat niya ang dila dahil sa pagsisinungaling... Totoo namang hindi multo ang nakita ng lalaki totoong totoo ito nahawakan na nga niya at nadamay hindi lang yon nayakap pa niya di ba?yon nga lang kasi ang totoo matatakutin din talaga siya sa multo hehe bilis ng karma Nakagat tuloy niya ang dila niya. Teka mam....pano ka naman nakasisiguro kilala mo ba ang katiwala ng pamilya?tanong ng mga ito. S-siyempre nakilala ko na siya kasi nagpunta na ako minsan don.Isa pa kung nakakakita kayo ng multo sigurado akong di multo yon at totoong tao malay niyo naman may kamukha ang taong tinutukoy niyo o malapit na kamag-anak di ba? Lahat ng tsismoso't tsismoss napatingin ata sa kanya.Ahem!opinyon ko lang naman diyan na kayo!tumakbo siya palayo sa mga ito...napailing na lang ang mga ito. Ang makati kong dila kainis!manang!magkano po dito?tanong niya sa bananacue .Ito nanaman ang katakawan ko hehe. Wala ka bang balita sa pamilya ng mga Jiminez kung may nabubuhay pa sa kanila?tanong niya kay Harvey.... Tumitig ito sa kanya bago nagsalita.Tulad mo may kaisa-isang nabubuhay sa angkan niya.... Nasaan ang taong yon? tanong niya dito..... Si mam Isabella....ang babaeng tumulong at nagligtas sayo.... tumalim ang mga mata ng binata.Hindi nga siya nagkamali... Luna Isabella....Ikaw ang sasalo sa poot na nararamdaman ko sa iyong mga ninuno... Senyorito.... Huwag mo na akong tatawaging senyorito....mamumuhay ako katulad niyo isang normal na tao....sa bago kong katauhan. Kung ano man ang nasa isip mo huwag kang magpadalos-dalos....wala namang nakakaalam ng tunay na pangyayari ikaw lang ang may kakayahang malaman ito. Tama ito....aalamin niya ang lahat sa ngayon kailangan muna niyang pag-aralan ang bagong mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD