Chapter 16. Hoy Bella may naghahanap daw sa'yo sa labas tawag ni Arlene co-teacher nila.
Tumayo sila ni Hazel baka si Alfred tara puntahan natin excited si Hazel na hinila ang kamay niya.
Naku Bella sino yon angguwapo ha?!Hindi naman kaguwapuhan si Alfred Bella sino kaya yon?tanong ni Hazel kibit-balikat siya rito.
Lumabas siya dahil marami sa mga co teachers niya ang nakikiusyoso.
Bella tawag ni Mr.Abad...ang binatang yan..totoo ba?kamag-anak ng mga de Cordova?naku akala ko pa naman wala ng natira sa angkan nila....nagulat siya sa sinabi nito.
Lumapit siya sa mga nagkukumpulang mga kasama niya.
Hoy Bella anong sinasabi ni Mr.Abad..?ranong ni Hazel.
Halika ka makikita mo hila niya dito.Nakita niya ang binatang magiliw na nakikipag-usap sa mga kasamahan niyang teachers na sobrang namumungay na ang mga mata ng mga ito sa pagpapacute dito.
Bella yong guy na crush mo yan di ba?tanong ni Hazel.
Puro ka kalokohan....Excuse me mga frenny ...lumapit siya rito. Anong ginagawa mo rito hehe?gigil niyang tanong sa binata.
Sinusundo ka....narinig niya ang pagsinghap ng mga kasama niya.
Swerte mo naman Bella ang guwapo ng suitor mo...!at kamag-anak pa ng de Cordova!
Ho?! napakamot siya sa ulo.
Bella...?!nanlalaki ang mga mata ni Hazel.Totoo ba Bella?di-makapaniwalang tanong nito.Tumango siya.Napapitik ito sa hangin.
Kaya pala!pamilyar ang mukha niya!kung ganon....may ibang nabubuhay na kamag-anak ang mayamang pamilya....sabi nito.
In fairness angganda ng lahi nila hihi kinikilig na sabi nito.Siniko niya ito.
Pano po mauna na kami..
Naku sige ingat kayo sagot ng mga kasamahan niya. Hehe....nakangiwi siyang sumakay sa magara nitong kotse. Saan ka nanaman nagsuot?bumalik ka nanaman sa panahon mo...bakit kasi hindi ka na lang pumirmidito ..nag-aalala ako sa'yo ng sobra bulong niya sa huling sinabi.
Konting panahon na lang matatapos na lahat...konting panahon na lang sagot nito.Dumaan sila sa bayan at naglibot sandali.
N-nakita niyo yon....!yong lalaki!titigan niyo...!siya yong sinasabi ko nagbalik si Senyorito Gabrielle....!ay mahabagin totoo nga...!
Sabi ko sa inyo hindi ako nagsisinungaling sa inyo....
Narinig niya ang bulong-bulungan ng mga tsismoso at tsismosa.Hinila niya ang kamay ng binata
Excuse me po....dinig po hanggang sa kanto ang usapan niyo.
O mam kayo po pala at kasama niyo po siya....?!
Naku po..!Napakrus pa ang iba sa kanila. Naku po ako nga po hehe...sabi ko nga po yang mga pinaniniwalaan at haka- haka niyo wala pong katotohanan ho...? Ang binatang ito. Hindi po siya engkanto o multo....may gumagala bang engkanto na ganito kaguwapo?walang nagsalita.
Hindi sa ganon mam kaso yon po kasi ang nagpasalin-salin na kwento sa ating bayan sagot ng isa mga ito.
Siya nga po si Gabrielle....nanlaki ang mga mata ng mga ito.
Pero hindi po siya ang Gabrielle nabuhay sa panahon ng mga kastila?kung baga kaapu-apuhan siya ng mga de Cordova. Paano nangyari na may natira pa sa kanilang angkan samantalang nagwakas ito kay Senyorito Gabrielle?tanong ng lalaking nagkwekwento kanina.
Tulad po Ng sabi-sabi walang nakakaalam kung namatay o buhay pa si Gabrielle na yon...malay niyo nabuhay pa siya ng mahabang panahon at nagkaroon ng pamilya di ho ba?
Wala ngang nakakita sa katawan niya noong panahong iyon di ba?hmmmm?natahimik nanaman ang mga ito.
Tara na?tanong ng binata sa kanya.
Sandali...!pigil ng matandang babae sa kanila.Kapwa naman sila natigilan ng lumapit ito at kinurot ang pisngi ni Gabrielle.
A-aray manang.....!masakit po hawak nito ang namulang pisngi.
Buweno totoo ka nga at kamukhang kamukha mo ang Senyorito Gabrielle bueno naniniwala na kami sa inyo pasensya na rin sa pagiging tsismoso ng anak ko hinging-paumanhin nito.
Nay naman...!He!tumahimik ka na diyan Anton hala tulungan mo na lang ako sa pagtitinda utos nito sa anak.
Habang naglalakad sa park ay hawak ng nito ang kamay niya pansin niya lang.Haba ng hair sigaw ng malanding utak niya.
Sabihin mo maganda ba sa doon sa lumang Sta Ynez?tanong niya rito. Hmmmm ...ok lang panay luntian ang paligid di tulad ngayon marami ng imprastraktura at mga gusali sa'min kasi mga lumang bahay ng mga kastila ang nakatayo.
Tapos balot na balot pa ang mga babae di tulad ngayon halos kita na lahat pati kaluluwa sagot nito.
Ganon ba....sabihin mo nga sa'kin may nagugustuhan ka na bang babae dito o doon sa panahon mo?Ewan ba niya at naitanong pa niya.
Yong kayang mapapangasawa mo sana ..
Hmmm sa tingin ko meron na ....yon nga lang manhid ata siya hindi niya feel eh sagot nito.
At yong mapapangasawa ko naman sana well,maganda siya at mahinhin,pino ang kilos pero wala akong nararamdaman sa kanya maliban sa mga mata niya.Kasi naaalala ko yong babaeng gusto ko...bigla itong tumigil sa paglalakad.
Tiningala niya ito.
Siya nga pala ....pag-aralan ko ang pamamalakad sa buong lupain ng pamilya ko.Ayoko namang iasa ang lahat Kay Harvey.
Gusto kong patakbuhin ang mga negosyo ng pamilya ko .
Sabagay para din sa'yo yan at future mo sagot niya.
Hmmm...tama..inakbayan siya nito.
Lumipas ang ilang buwan at bakasyon na.Sinundo nila sa Maynila sina nanay Fely at Ellie.Gusto sana ng binata na sa bahay na nito sila manuluyan subalit tumanggi si nanay Fely.Ayaw nitong makaabala kaya sa apartment niya tumuloy ang mga ito.
Mabilis na lumipas ang mga buwan at araw.Mabili na natutunan ng binata ang paraan sa pagpapatakbo ng negosyo sa tulong na rin ni Harvey.Naging busy ito at bihira na silang magkita.Nagkakaroon na rin ito ng mga bagong kakilala at kaibigan.
Aaminin niyang nagtatampo na siya dito.Wala na silang oras tulad ng dati. Wala naman siyang magagawa dahil wala namang level ang kung anong meron sila.Bumabalik pa rin ito sa panahon kung saan ito nabubuhay.
Mukhang di pa rin nito maiwan ang buhay na kinagisnan.Si Alfred naman ay naging matalik niyang kaibigan tinapat niya na ito na walang maasasahan mula sa kanya.Isa pa masyado itong palikero.
Isang gabi umuwing lasing ang binata at wala si Harvey nasa out of town ito para asikasuhin ang ibang mga negosyo ng nito.Siya ang nagbukas ng pinto para dito.Nagulat siya ng may kasama itong babae at mukhang magkaedad lang mga ito.
Oy.....Bella...sorry....nagkayayaan lang kami ng mga kaibigan ko....nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa kanya.
Saan ang kwarto niya tanong ng babae.
Ah....ako na lang ang magdadala sa kanya....
No ako ang maghahatid sa kanya sa kuwarto nakataas ang kilay nito sa kanya. Ano ka ba dito?mataray na tanong nito.Itinuro niya ang sarili niya.
Ako?Kaibigan niya ako bakit?mataray din niyang sagot.Hoy.....miss...umuwi ka na sa inyo....
Si-si Bella ko na ang bahala sa akin sabi nito sa babae.
Inagaw niya ang binata mula rito at tinulak sa sofa.
Hoy....hija...halika na at ihahatid na kita sa inyo!inis niyang sabi at hinila ang kamay nito palabas.
Ano ba...!piksi nito sa kamay niya.Kanina pa siya naiinis sa babaeng to.Oo nagseselos siya dahil may kasama itong ibang babae!kaya ba wala na itong panahon sa kanya?!
Masakit sa puso niya dahil non pa man may nararamdaman na siya para sa binata.At mukhang napakahirap na nitong abutin.