Chapter 15. Senyorito Gabrielle...puspusan ang paghahanap sa mahiwagang lalaki..Puspusan ang paghahanap sa inyo ng mga guwardiya.
Naalala niya ng nagdaang gabi ang nangyari kung saan tatlo nanamang guwardiya ang pinaslang niya.Isang matandang lalaki ang ninakawan ng lupang sakahan na siyang ikinabubuhay nito.
Ang masaklap pinagbuhatan pa ito ng kamay.Napatay niya gamit ang patalim yong dalawang habang binali at sinakal niya ang leeg ng isa.Mga palalong tauhan ng taon kinapopootan niya. Agad siyang tumakas at umuwi sa kanilang tahanan.Nagmadali siyang naghugas ng duguang kamay.
Muli siyang tumitig sa mga kamay...wala na siyang ipinagkaiba sa kanila.Sa edad niya beinte uno marami na siyang napaslang.
Saan kayo patutungo senyorito?tanong ni Theodoro.
Sa tahanan ng mga Jiminez Theodoro...may nais akong malaman tungkol sa nangyari.
Mag-iingat ka senyorito paalala nito.Tumango siya.Isinuot ang kanyang salakot.Nagdamit siya ng normal na kasuotan.Sumakay siya sa karitela.
Nasa tapat na siya ng tahanan ni Don Ronaldo.Lumapit siya sa pinto at kumatok.Mukha ng dalagang si Helena ang bumungad.
G-ginoo napasyal ka.Halika't pumaroon sa loob paanyaya nito.
Gracias bininini.
Hijo ano ang maipaglilingkod namin sa'yo?tanong ni Donya Celena Mukhang hindi mo suot ang banyagang kasuotan mo.
Napadaan lamang po ako.Nasa maayos po ba ang inyong kalagayan?
Si....kahit wala na ang aking asawa...may lungkot sa mga nito pagkaalala sa asawa.
Mawalang galang na po...pero maaari ko po bang malaman ang sanhi kung bakit sumakabilang buhay ang inyong asawa? Bumuntonghininga ang ginang.
Dahil sa sama ng loob.Napatingin siya dito.
Bakit po...sa kadahilanan po bang nakipagsabwatan siya sa mga mananakop?tanong niya.
Walang katotohanang ang mga paratang sa kanya. Araw-araw katulad ni Helena pumaparoon siya sa tahanan ng gobernador-cillo para makiusap para sa buhay ng kaibigan at pamilya nito.Galit ang gobernador-cillo kay Don Juan dahil malapit ito sa taong-bayan at mga prayle dahil sa kawanggawa nito at dahil sa kadahilanang salungat ito at ang aking esposo sa di-tuwid na gawain. Hindi niya mapatawad ang sarili dahil hindi niya nailigtas ang kaibigan nito sa kamatayan.
Nagulat na lang kami isang araw pinaslang na silang lahat maliban sa batang de Cordova.
Dinamdam niya ng labis ang nangyari.Hindi siya nagkakakain hanggang isang araw inatake siya sa puso at wala ng buhay ng matagpuan namin siya sa kanyang silid.
Kung ganon....walang katotohanan ang kumakalat na haka-haka.Ipinakalat lamang ito ng taong nasa likod ng lahat. Ginang....ako po ay patawarin ninyo sa panghuhusga ko sa inyong esposo...
Lumingon siya sa dalagang galing sa kusina na may dalang salabat at minatamis.Umupo ito sa katapat na silya.
Uminom ka muna ginoo.
Maraming salamat binibini. Walang anu man ginoo..
Ano ba iyong ngalan at saan ka nagmula?tanong nito.
Ipangako niyo na mananatiling lihim ang aking pagkatao sa sandaling malaman niyo kung sino talaga ako.
Makakaasa ka.Tumango din ang binibini.
A-ako ang....Ako si Gabrielle....ang anak ni Don Juan...Napakrus ang Donya sa narinig.
Nabitiwan naman ni Helena ang kanyang pamaypay kasabay ng labing bahagyang nakaawang.
Ginoo!kaya nga ba parang pamilyar ang iyong wangis ay dahil anak ka ni Don Ronaldo...Ang aking nobyo at magiging esposo.
Tumingin si Gabrielle sa binibini. Patawarin niyo ako sa aking paglilihim.Lalo na sa iyo binibini.
No ginoo ..Wala kang kasalanan.Akoy nagagalak at ikaw ay ligtas at buhay pa. Lagi kong ipinagdarasal ang iyong kaligtasan sa mga Poon at Santo.
At labis ang aking pasasalamat dahil dininig nila ang aking dasal. Mahabagin...Ika'y pinaghahanap pa rin sa ngayon dahil sa biglaan ka raw naglaho noong ipataw ang iyong kamatayan.Paano nangyari ang nakakamangha at nakakasindak na pangyayari.
Mahirap ipaliwanag at ilarawan ginang. Kung ganoon ay hindi na kita uusisain. Mag-iingat ka lalo na sa mga mapang-abusong guwardiya sibil.
Maiwan ko muna kayo ng aking Unica hija para makapag-usap.
Tumayo ito at dahan-dahang pumasok sa kanyang silid. Tila nahihiya ang binibining mayumi subalit ang mga titig nito ay puno ng pagmamahal sa kanya.
Binibini.Marahil ito na ang huli nating pagkikita.
Subalit ginoo..paano na ang ating nakatakdang pag-iisang dibdib?may lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Hindi na ako ang nararapat na lalaki para sa iyo...sa kalagayan at estado ko isa na akong tulisan para sa mga mata ng marami.
Ginoo....tila nagbabadya ang luha sa mga mata ng binibini.
Ako ay hindi na nabibilang sa mundong ito..Darating sa'yo ang tamang lalaki na susuklian ang iyong pagmamahal.Mamahalin at pakaiingatan ka..Magkakaroon ng maraming mga anak at apo sa hinaharap.
Nakilala ko na nga yong pinakapasaway at nakikita ko ang iyong mga mata sa kanya.bulong niya.
A-ano iyon g-ginoo..? Wikang hindi ko maawaan.
P-patawad binibini...Ahhh ibig kong sabihin ay magpapatuloy ang inyong angkan sa hinaharap.
Tila nakita mo na ang mangyayari sa humaharap ginoo.Ika ba ay isang salamangkero o ano?tanong nito.
H-hindi binibini...sinasabi ko lang ang maaaring maganap sa hinaharap.
Kung ganoon ay maghihintay ako sa aking ginoo.Ipagdadasal ko ang iyong kaligtasan at sana ay makatagpo ka rin ng mujer na magmamahal sa'yo ng buong puso.
Tumayo siya at handa ng lumisan.
Hindi na ako magtatagal binibini.Ako ay aalis na...
Ginoo...maaari ba kitang mayakap kahit sa hauling sandali?tanong nito.
Ngumiti siya at mahigpit na niyakap ang dalaga. May luha sa mga mata nitong kumakaway kanya.
Hmmmm.....nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa labas.Suot pa niya ang lumang kasuotan.Mabilis siyang bumangon at lumabas ng sa sikretong silid. Patakbo siyang umakyat sa taas para makita si Ysabella.Miss na niya ang dalaga.
O nakabalik ka na si Harvey ng makasalubong niya.
Nakita mo ba si Ysabella?tanong niya rito.
Ano ka ba alas tres palang ng hapon nasa klase pa yon natatawang sagot nito.May dalawang linggo ka ring nawala kung tama ako ...inlove ka na sa kanya Ano?hehe...A-anong inlove?Hindi ah...!Sandali!Pupuntahan ko na lang siya.
Hay bahala ka buti pa nga para matigil ang mga usap-usapan na may multo sa bahay niyo.
Hmmm?mabuti pa nga patakbo siyang nagtungo sa silid at nagbihis.
Hay ...nababaliw na ako.....nasabunotan ng dalaga ang sariling buhok.
Ano bang nangyayari sa'yo diyan?takang tanong ni Hazel.
A-ano kasi....naalala niya ang nangyari dalawang linggo na ang nakaraan ng umuwi sila ni Gabrielle galing sa pakikipag-inuman Kay Alfred.
Dinala niya ito sa silid nito dahil sa sobrang kalasingan.Pinunasan niya ito para guminhawa ang pakiramdam niya.
Paalis na siya ng pigilan nito ang kamay niya.Nakatitig ito sa kanya habang namumungay ang mga mata.
I-i-ikaw....pwede bang huwag ka ng sumasama sa lalaking yon.....Naiinis ako...ayokong may ibang i-lalaking lumalapit sa'yo.....sa tingin ko ...nahuhulog na ang loob ko sa'yo....Sa akin ka na lang.....pwede ba....?Bella...hinila siya nito sa bumagsak siya sa ibabaw ng binata.
Agad siya nitong kinuyumos ng halik sa mga labi.
Hmmm....Bella...hinalikan nito ang leeg niya at pinaglandas ang mainit nitong dila sa balat niya.
Ohhh....impit niyang daing.Tumigil ito sa ginagawa.Napatingin siya dito habang kagat ang labi.
Anak ng tokwa naman oh?!bakit hindi mo na tinuloy...waaahh....!tinulugan ba naman ako?!!!