Chapter 14 Kinailangan nilang lumuwas ng Maynila para doon bumili ng sasakyan nito. Sinamantala niyang puntahan sina nanay Fely at Ellie sa kanila.
Hindi na siya sumama pa kila Harvey at Gabrielle.Hihintayin na lang niya ang mga ito sa bahay nila.
Kasalukuyan niyang inaayos ang buhok ni Ellie habang nagmemeryenda silang tatlo. Nasabi na niya ang dahilan kung bakit biglaan ang luwas nila.
Nay umpisahan na ninyong magbalot ng gamit sa apartment ko na kayo ni Ellie sa pasukan wika niya dito.
Konti lang naman ang mga gamit natin hija wag kang mag-alala.
Kunsabagay... Napakayaman pala ni Gabrielle ano? Teka pangalan lang niya ang alam ko....saang pamilya ba siya nabibilang?tanong nito.At doon ka tumutuloy sa kanila?tanong ulit nito.
Nabilaukan siya at napaubo. O-opo...Kamag-anak po niya ang mga de Cordova don po siya nakatira sa mansiyon ng mga ito.Hindi na siya makakapagsinungaling pa..
A-ano kamo?d-de Cordova?!gulat ito at hindi makapaniwala sa narinig.
Opo....doon nga po ako tumutuloy. B-bakit....Si Gabrielle..may nalalaman ka ba tungkol sa kanya?kinakabahang tanong nito.
Wala po ang alam ko po kamag-anak siya ng pamilya...Pagsisinungaling niya. Sino ba ang maniniwala kung sasabihin niyang ito ang nawawalang si Uno Gabrielle de Cordova Y Alonzo. Pansin niya na may di sinasabi sa kanya si nanay Fely...
May problema po ba nanay?tanong niya rito.
Hija....habang maaga pa ay lumayo ka na sa kanya at sa bahay na yon pakiusap.....nanginginig ang kamay nito na animo takot na takot.
Nay naman....ano bang meron sa pamilyang yon at parang takot na takot ito.
Anak.....paano kung ikaw ang balingan niya ng kanyang galit?
Ano po bang ibig niyong sabihin?
Si Gabrielle....ang nawawalang de Cordova....ang ninuno natin at angkan ng mga de Cordova ay mahigpit na magkalaban.Pinagbintangang isang traidor ang ninuno nating si Don Ronaldo kahit wala itong katotohanan.
Isinumpa ni Gabrielle na maghihiganti siya sa angkan ng mga Jiminez pagkatapos niyang patayin sina Agoncillo at Legazpi ang mga espanyol na salarin sa pagpatay sa kanyang angkan at pinaniniwalaan niyang kasabwat ang ating ninuno.
Ang iyong ninuno kahit ang katotohanan ay sinubukan niyang iligtas ang pamilya ng kaibigan.Namatay ang ating ninuno sa labis na sama ng loob dahil wala siyang nagawa para sa matalik na kaibigan .
Tulala siya sa rebelasyon ni nanay Fely.
Siya..?pagtatangkaang patayin ni Gabrielle?imposible...kahit hindi siya marunong bumasa ng isip nakikita niya sa mga mata nito ang sinseridad sa kanya.Imposible ang sinasabi ni manang Fely.
Nakikita ko kung paano mo tignan si Gabrielle bilang isang lalaki....Alam kong alam mo si Gabrielle ang nagbabalik sa nakaraan upang maghiganti sa lumaspatangan sa kanila.Kaya pala.....kaya pala pamilyar ang mukha niya.Siya nga si Gabrielle de Cordova. Nay....mabuting tao po si Gabrielle hindi po niya magagawa ang iniisip niyo...
Kahit pa hija pano kung hanggang ngayon ay iyon pa rin ang paniniwala niya?Hija...sa tingin mo ba ay may magandang patutunguhan ang pag-ibig na mula sa magkabilang panahon?baka masaktan ka lang hija.
Paano kung maipit siya sa dalawang panahon?mahihirapan siyang makabalik.
Natahimik siya...pano nga kung totoong paghihiganti ang pakay sa kanya ng binata.
Pano kung balak pala siya nitong paslangin ano ang kahihitnan niya? Naguguluhan siya sa mga nalaman.
Dumating ang dalawang binata...
O nasaan ang binili mo?tanong niya rito.
Itinuro nito ang mga nagkukumpulang kapit-bahay nila.
Hindi niya makita ang kotse nito.Nagpanggap siyang walang alam.Kinausap din niya si nanay Fely tungkol dito na maging kaswal.
Pasok kayo...Pumasok ang dalawa sa loob.Lumabas sina Ellie at nanay Fely.
Kuya Gabrielle...Tumakbo ang Bata sa kanya at yumakap.Kinarga niya ito.
Kumusta na Ellie?tanong niya.
Ok lang po namiss po kita.I miss you rin.
Hello po nay Fely....Nagmano ito sa matanda.Tinanguhan niya ito.
Kaawaan ng Diyos hijo.
Para po sa inyo....
Salamat maupo kayo .
Nay si Harvey po ang namamahala sa ngayon sa buong lupain ng mga de Cordova.
Magandang hapon po bati ni Harvey. Magandang hapon din hijo.
Mula sa angkan ni Theodoro Reyes
...napatingin ang dalawang binata sa matanda.
Hay naku!bunganga ko sige na magmeryenda muna kayo alok nito sa kanila.Nagsalin siya ng juice sa mga baso nila at naglagay ng cake sa platito. Bakit buong barangay binilhan mo na ata tanong niya....
Wala yon....hindi mauubos ang kayamanan ng mga ninuno ko dahil diyan nakangiti nitong sagot. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na sila kina Ellie at nanay Fely.
Hoy Bella anggara ng kotse ng boyfriend mo ha siguro napakayaman niyang si Gabrielle...si Banjo.
Hmmmp...!aray naman...
Sinabi ng hindi ko siya boyfriend kulit mo rin no?napakamot ito sa ulo.Infainess gara ng kotse ng mokong na to bulong niya.
So tara na?tanong ng binata ng makapagpaalam kila nanay Fely.
Si Harvey na ang magdridrive ng kotse mo.
Sakay na...pinagbuksan siya nito ng pinto.
Nagulat siya sa presyo ng sasakyan nito sobrang nakakalula.Lexus LC500.
Grabe iba talaga ang mga mayayaman hay...bulong niya. Nakarating sila bandang alas siete ng gabi sa mansion ng binata.
Nagulat siya ng makita si Alfred sa gate at mukhang hinihintay siya.Bumaba siya at agad pinuntahan ang binata.
O Alfred anong ginagawa mo rito?tanong niya...Bella...wala naman gusto lang sana kitang yayain sa labas.
Hindi maaari....hindi maipinta ang mukha ni Gabrielle ng lumapit ito sa kanila.Nakasunod na pala ito.Ipinasok na ni Harvey ang kotse niya sa loob.
Tumaas ang kilay ni Alfred sa binata.
Teka....tatay ka ba niya?at bakit ayaw mo siyang payagan?iritadong tanong nito.
B-basta!dito siya nakatira sa pamamahay ko kaya konsensiya ko pag may nangyari sa kanya ha? Araaay....!
Anong pinagsasabi mo diyan ha?pingot niya ito sa tenga...
Totoo naman ah!mapanganib sa labas....ahhhh....!
Hoy..matanda na ako at di ko na kailangan ang parental consent no?
Ah basta! kung lalabas kayo sasama ako!
Ang mga kabataan nga naman ngayon hay....bwesit bulong ni Alfred.Pano na siya nito makakaiscore kay Bella kung laging nakabuntot ang totoy na to?
Ok fine sumama ka asar na pagsuko niya.
Tsssk sige pero madali lang tayo ha?medyo pagod kasi ako sabi niya sa binata.
Ayos lang Bella malakas ka sakin...
Tssk!malakas ka sakin panggagaya ng binata sa sinabi nito.
Ahhh...!nakatikim ito ng batok mula sa kanya.
Ang taas mo!nahihirapan akong abutin ka!
Angliit mo kasi!
Tara na yaya ni Alfred.Sumakay siya sa tabi nito.
Teka si Bella diyan doon ka sa likod...
Hindi!mamaya lapastanganin mo pa siya...sa likod ka Bella sigaw niya rito.
Pasaway bulong ni Bella saka sumakay.
Ngayon ko lang napansin kakaiba ang pananalita ng batang to...sa isip ni Alfred.
Bagsak nila sa isang bar...Medyo may tama na ang dalawang lalaki at nakatitig sa isa't-isa.
Sabihin mo nga sa'kin ano ka ba ni Bella?kung makaasta ka daig mo pa ang tatay niya.Nilagok ni Alfred ang baso ng alak.
Nagsalin naman si Gabrielle sa baso nito.
Hoy hinay-hinay nakakarami na kayo saway sa kanila ng dalaga.Hindi siya pinansin ng mga ito.
Wala ka na don.Sa'min na lang yon...sabay lagok niya sa alak at ibinagsak ang baso.Ito naman ulit ang nagsalin.
Hindi kayo bagay na dalawa.Magiging parang batang kapatid ka lang niya ...Hindi ka magugustuhan ni Bella. Sabay lagok ni Alfred ng alak.
Muli din siyang nagsalin..... Inilapit niya ang mukha sa kainuman bago nagsalita at ngumiti ng nakakaloko.
Kung pisikal na anyo lang mas matured naman ang wangis ko kesa sayo...isa pa mas matanda ako sa inyong dalawa...
Nababaliw ka na...nailing na sabi ni Alfted.Nilagok niya ang alak at muling nagsalita.
Bakit...may magkapatid bang nagtuturingan habang naghahalikan...?
Ano?!sabay na sabi nina Bella at Alfred.