Herald POV Halos hindi magkanda ugaga ang lahat ng tao dito sa bahay. 55th Birthday ni Dad kasabay na din ng 25th Anniversary ng Ricaforte & Sons Inc. Kung ako lang masusunod ay munting salo-salo lang ay pupwede na. Ngunit dahil sa kasabay nito ang anniversary ng kompanya ay hindi pupwede ang gusto ko. Kaya go to what is necessary ang peg ko. Nagulat na ngalang ako nang sabihin sa akin ng mga kuya ko ang plano. Di ko naman kasi kaagad nalaman na birthday ni Dad. Mamayang gabi ay darating ang mga directors at ilan sa mga mahahalagang tao sa kompanya. Kasama din ang ilan sa mga kakilala at at kaibigan. Hindi na tuloy ako nakapasok sa trabaho ngayon. "Kuya, pinatatanong ni Kuya kung may kailangan ka pa ba raw?" Si Matthew na abala sa pagtulong sa pag-aayos ng lamesa sa gard

