Herald POV "Manang yung mga gamot ni Dad napainum mo na ba?" Kasalukuyan akong nasa Page One. Kailangan ko kasing asikasuhin ang mga order this week. Ilang araw nang nakalabas si Dad sa hospital pagkatapos ng halos dalawang Linggong paglalagi doon. Upang masigurong mamomonitor ang mga pinagkakaabalahan ng tatay kong matigas ang ulo, ayt napilitan akong lumipat muna ng bahay. Sa dami kasi ng nangyayari alam kong mas makakabuti kung magkakasama kaming pamilya. Alam kong hindi ito madali para kay Ross ngunit nagpapasalamat ako dahil kahit papanu ay pinilit niya akong intindihin. Kahit naman hindi na ako sa bahay niya nakatira ay sinusubukan ko pa rin namang gampanan ang pagiging karelasyon niya. Nagtatawagan kami kung sakaling hindi kami magkita nang araw na yun. Magkate

