Herald POV Naging matagumpay ang opening ng Page One Cafe. Sa tulong ng mga kapatid ko ay naging matunog ang Cafe at nagkaroon ng maraming parokyano. Nang mga sumunod na araw ay patuloy sa pag dami ng mga bumibili. Nagagahol na nga ako minsan ng oras. Hindi kasi ako pwedeng magfull time cake baker dahil may mga paper works din ako dapat gawin. Maging ang mga delivery at pag order sa supplier. Kaya talagang hindi ako magkandaugaga. Hindi ko naman pwedeng palaging iasa sa mga kapatid ko. Naging maayos ang mga pangyayari nitong mga nakalipas na araw. Subrang saya ni Ross nang ibalita niya sa akin na approve ang project nila. Nagulat pa nga daw siya ng malamang Papa ko pala ang may-ari ng company na kanilang hawak. Balik kami sa normal. Sa umaga hinahatid niya ako at susunduin naman pa

