Ross POV Mula nang bumalik ako sa office ay pakiramdam ko ay nauubusan na ako nang oras. Papano'y halos tumambak ang mga gawain. Walang nag asikaso dahil madalas ako mismo ang gumagawa. Ayaw kong iutos sa iba. Ilang beses na ring hindi ko nakakaligtaan ang phone ko. Madalas na rin na late akong umuuwi. Pag-uwi ko ay tulog na si Herald. Sa umaga pag-gising ko ay wala na ito. Hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya dahil na rin sa daming gawain. Kahit papanu ay nababasa ko naman ang mga text ni Herald. Yung mga lakad niya. Maging kung sino ang kasama. Haist. Bakit ba biglang dami ng dapat gawin. Ang masaklap ay tila hindi nauubos. Isang araw ng Linggo. Tanghali na akong nagising. Walang pasok ngayon. Balak kong bumawi ngayon kay Herald. Alam ko kasing nagtatampo na siya kahit hi

