Herald POV "Hindi pa ba kayo nag-uusap?" Hindi ko na kIlangang tanungin kung sino ang tinutukod ni Excel. Tatlong araw na akong nasa apartment niya. At tatlong araw na ring kaming hindi nag-uusap ni Ross. "Ayaw mo na ba ako rito sa apartment mo?" May paglalambing kong tanong. Hindi sa ayaw kong pag-usapan pero ayaw ko munang problemahin. Alam naman nya kung nasaan ako kaya kung gusto nyang mag-usap puntahan nya nalang ako. Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya kung kaya panay ang text nito ng mga kung anu anu. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin. "Wala akong sinabing ganun ha. Ang akin lang bakit nyo pa pinatatagal ang away nyo. Pag-usapan nyo na kasi." "Alam nya kung nasaan ako. Edi pumunta siya dito." May halong pagyayabang kong wika. Hindi na umimik pa si Excel. But

