Pagkauwi ni Mikaela sa apartment, ramdam pa rin niya ang bigat sa dibdib kahit na nakangiti siya habang nagpapaalam kay Chinky. "Ingat ka, girl. Kita na lang tayo bukas," sabi niya habang binababa ang kamay mula sa pag-wave. Nakangiti si Chinky, pero alam niyang pareho silang pagod. Pagkasara ng pinto sa unit niya, unang ginawa ni Mikaela ay tanggalin ang heels na nagpapahapdi sa paa niya buong araw. Nag-inhale siya nang malalim, parang ngayon lang siya ulit huminga nang buo buong linggo. Pagod. Physically and emotionally. Pero hindi pa tapos ang araw niya. Lumapit siya sa bedside table at kinuha ang phone. Tinawagan agad si Martin. "Hey," sagot ni Martin agad, parang hinihintay talaga ang tawag niya. "Hi..." mahina niyang bati, sabay higa sa kama, eyes half closed habang nakapikit. "

