Pagdating ng tanghali, tahimik si Mikaela habang pinapanood ang paglabas-masok ng mga empleyado sa pantry. Hindi siya makakain nang maayos buong umaga. Hindi rin siya makapag-concentrate sa reports. Her mind kept replaying the way Adalyn smiled at Brent kanina. 'Yung way na parang walang ibang tao sa room. Parang hindi lang business ‘yung intensyon. Pilit niyang inignore ‘yun pero ngayon, habang pinapaikot-ikot niya ang ballpen sa kamay niya at nagkukunwaring nagbabasa ng isang client memo, alam niyang hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya naibubuhos kahit kanino ang nararamdaman niya. Kailangan niyang kausap. And there's only one person who could make sense of her jumbled thoughts without judging her. So she grabbed her phone and texted: "c****s, dinner tayo later? My treat. Labas t

