December 2016 TWO weeks bago ang planned ‘dream wedding’ nalaman ni Roxan na si Favio na ang bagong may-ari ng bahay sa kabila. Si Favio mismo ang nag-confirm. Ang lapad pa ng ngiti ng lalaki nang magbiro na kailangan niya ng patience sa bagong kapitbahay na lilipat next year. Valentine’s Day next year din ang opening ng Libkape. Ang bahay ni Rav—na binili ni Favio—ang magiging bahay ni Quiah sa Victoria. Two weeks nang gabi-gabing iniiyakan ni Roxan nang tahimik ang inaasahan niyang pag-alis ni Rav pagkatapos ng kasal. Lalo nang nabasag ang puso niya nang sabihin ni Quiah na ipinaubaya na ni Rav kay Favio ang hindi pa nagbubukas na Libkape. Ang lumalabas, ibinenta ni Rav lahat kay Favio—kasama ang business concept, ang lote at building ng Libkape at ang mismong bahay na k

